|
||||||||
|
||
20130521
|
Rowena: parang laruan lang kung titingnan pero sagapak kung pakikinggan.
Fritz: i listened to the sound many times over and i really like it.
Rodel: alay kokonti ang butas ey! bakit gay-on! paano gang tutunog yan nang maayos?
Lagrimas: i like blowing instruments. you bet. i will be blowing xun one day-- to your delight!
Carol: i like the history of the instrument as much as the instrument itself.
Sharon: sa totoo lang, hindi pa ako nakakakita niyan. erhu, oo, nakakita na ako. marami d2 sa mga music stores sa beijing, dun sa dongzhimen.
Jennifer: i wish i could play like that. but looks like, music doesn't like me.
Brix: wow, bonggang bongga yan, kiddo! cool sa akin yan!
maarte
|
Pamilyar po ba kayo sa narinig na tugtugin? Ito ay pinamagatang Shepherd Su Wu, tungkol sa national integrity ng isang shepherd. Noong nagdaang linggo, napakinggan natin ito sa pamamagitan ng Xun. Malungkot at mababa ang tutugin kapag ginagamit ang Xun. Kapag tinugtog naman gamit ang Yangqin, hindi ito kasinlungkot at mas magiging enggrande. Ito nga ang katangian ng Yangqin.
Okay. Sa susunod, isasalaysay ko sa inyo ang hinggil sa Yangqin.
Ang Yangqin
Ang Yangqin ay isang Stringed Percussion Musical Instrument sa orkestra ng tradisyonal na instrumento ng Tsina. Malutong at maliwanag ang kalidad ng tono nito at malakas ang perfomence skill. Magagamit ito sa solo, ensemble o sa pansaliw.
Alinsunod sa tala ng kasaysayan, ang Yangqin ay ipinasok sa Tsina noong panahon ng Ming Dynasty (l368--l644) mula sa mga sinaunang bansang Arabe sa gitnang silangang Asya, na gaya ng Persiya na ngayon ay Iran. Pagkaraan ng ginawang pagbabago ng mga katutubong artistang Tsino, ang sinaunang Yangqin ay naging kasalukuyang anyo.
Mayaman ang tone flavour. Mababa at malalim ang mga tonong mababa, maliwanag at pino ang mga tonong katamtaman at mataas, at malutong ang mga tonong mataas. Magaling ang Yangqin sa pagtugtog ng mga mabilis na tugtugin para ipahayag ang masigla't maligayang damdamin ng mga tao.
Pakinggan natin ang isang obrang gamit ang Yangqin na pinamagatang "General Order."
20130521
|
Pagkaraan ng pag-unlad ng mahigit apat na raang taon sa Tsina, ang Yangqin ay naging isang pambansang instrumentong kinagigiliwan ng mga tao na may katangiang Tsino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |