|
||||||||
|
||
maarte/20130604.m4a
|
Merry jeanne: kmzta, ate andrea? gusto ko lang ipaalam sa inyo na lagi kayong kasama sa mga dasal. lagi sana kayong basbasan ng Diyos.
Mareng gina: hahaha, masisira ang mga drum wizards natin diyan, mare ko, haha...
Rodel: alay, liban sa tambol mayor wala na akong alam na tambol, ey!
Bernie brown: let's do the rock and roll sa ulan using this drum. siguro, matunog na matunog, ano?
Rudolph: cguro meron ding iba't ibang size para mag-correspond sa snare drum, tom-tom, at bass drum.
Manuela kierrulf: parang iyong mga tambol na ginagamit ng shepherds of long ago, gamit sa pagbibigay ng signal sa kapuwa shepherd o sa mga ipinapastol na hayop.
Vic: sana sampolan mo naman kami ng tunog ng instrument na iyan. ikaw mismo ang tumambol, pwede?
Brix:yan, yang sound na yan ang hinahanap ko. talagang kakaiba yan. walang katulad. that sound makes a big difference.
Mato: mula sa blowing hanggang sa stringed hanggang sa percussion instruments...wow, talagang genius ka, ate andrea.
Maraming maraming salamat po sa inyong pagsubaybay at pagkatig, mga kaibigan!
Ang Kouxuan
Sa 6 na klase ng mga tradisyonal na instrumentong Tsino, nakilala na po ninyo ang stringed musical instruments, plucked musical instruments, Wind Musical Instruments, Stringed Percussion Musical Instruments, at Percussion Musical Instruments. Ngayon, pupunta naman tayo sa Mouth Reed Musical Instrument, huling klase ng mga tradisyonal na instrumentong Tsino. Isasalaysay ko sa inyo ang Kouxuan.
maarte/20130604sound1.m4a
|
Ang narinig ninyo ay ang ensemble gamit ang Tamboura at Kouxuan.
Ang Kouxuan ay isang maliit na pambansang instrumentong Tsino at isa itong instrumento ng pambansang minorya ng Tsina na may pinakamahabang kasaysayan. Tinatawag din itong "Kouhuang" na ibig sabihi'y reed. Ito ay binubuo ng mga reed, at yari sa kawayan o metal. Kapag ito ay hinipan, ito ay nanginginig. Ang Kouxuan naman na yari sa kawayan ay may malalim at mababang tono. Iyon namang yari sa metal ay may mataas na tono. Karamihan sa mga kababaihan ng minoryang Yi, Nu, Jingpo, Lisu, at Naxi sa lalawigang Yunnan ay tumutugtog ng Kouxuan.
Ayon sa alamat, noong Ming Dynasty, ang pamahalaang lokal sa Lijiang, lalawigang Yunnan ay masama. Lagi nitong pinagmamalupitan ang mga residente, ngunit, bawal ibunyag ng mga mamamayan ang pagmamalupit na ito. Gumawa ang pamahalaan ng regulasyon na bawal na sabihin ng mga residente ang mga aksyong ito, kahit sa pagitan ng mga-asawa. Magaling ang mga minorya doon, lumikha sila ng "Kouxuan," para maipahayag ang isipan, sa halip na magsalita.
Kasabay ng pag-unlad at pagpapabuti ng Kouxuan, bukod sa magandang tono, ang hitsura nito ay naging mas maganda rin. Ngayon, ginagawa na rin itong kuwintas ng mga kababaihan. Ginagamit din ito para maipahayag ang pag-ibig ng mga kababaihang minorya.
Kouxuan na ginagawang kuwintas
Maraming mang-aawit ng minorya ang mahilig sa Kouxuan, at sila ay may malalim na impresyon sa Kouxuan. Sa kanilang mga awit, binabanggit ang Kouxuan. Sa susunod, pakinggang natin ang isang awit ni Maozi na pinamagatang "Kouxuan."
maarte/20130604sound2.m4a
|
Marami-rami ang klase ng Kouxuan at kalat-kalat ito sa maraming lugar ng Tsina. Alinsunod sa mga materyal sa pagyari ng Kouxuan, mayroon itong dalawang uri: Kouxuan na yari sa kawayan at Kouxuan na yari sa metal; at kung ayon sa dami ng ginamit na reed, ang Kouxuan ay nahahati sa Kouxuan na may isang reed at Kouxuan na may ilang reed; at kung batay sa paraan ng pagtugtog, ang Kouxuan ay nahahati rin sa dalawang klase: isa ay tinutugtog sa pamamagitan ng kamay at isa'y tinutugtog sa pamamagitan ng paghila ng sinulid ng sutla.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |