|
||||||||
|
||
Ang Cantonese ay isang dialect ng wikang Tsino. Sa Guangzhou, ginagamit ng mga mamamayan ang kapuwang Cantonese at Mandarin. Pero, malaki ang pagkakaiba ng dalawang wika. Cantonese, known as "Guangdong Hua", ay nagmula sa matandang "Guangzhou Hua". Sa Cantonese, umiiral ang maraming salita ng ancient Chinese. Sa kasalukuyan, ginagamit ang Cantonese ng mahigit 100 milyong tao na kinabibilangan ng mga tao na nakatitira sa Pearl River Delta, HongKong at Macau, at mga overseas at ethnic Chinese. Ang Cantonese ay may impluwensiya sa Guangdong Opera at Guangdong Music.
Mga papel ng lalaki at babae sa Guangdong Opera
Ang Guangdong Opera ay nagmula sa Foshan, isang lunsod ng lalawigang Guangdong. Ang Guangdong Opera ay pinakamalaking lokal na opera sa lalawigang Guangdong. Ito ay mayroong mahigit na 300 taong kasaysayan, at ito ay kauna-unahang lokal na opera ng Tsina na lumalabas sa ibayong dagat. Noong ika-30 ng Setyembre ng 2009, inilagay ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization o UNESCO ang Guangdong Opera sa Listahan ng Representative List of World Intangible Cultural Heritage. Ito ay ikalawang tradisyonal na opera ng Tsina na nasa naturang listahan kasunod ng Kunqu Opera.
Making-up ng Guangdong Opera
Ang Guangdong Opera ay isang bukas na art. Kasabay ng pag-unlad ng pulitika, kabuhayan, kultura at iba pa, walang humpay na pinapaunlad ang Guangdong Opera. Sa proseso ng pag-unlad, isinasagawa ng Guangdong Opera ang maraming inobasyon na tulad ng paggagamit ng tunes mga awit na dayuhan at ng mga Western musical instruments. Ipinahayag ni Chen Shaomei, matandang akress ng Guangdong Opera na: "Ang Guangzhou ay isang port city, ang bukas na pakikitungo ay katangian ng kapuwang lunsod at Guangdong Opera."
Ang Guangdong Opera ay mayroon mahabang kasaysayan, at ito ay nagdulot ng Guangdong Music. Ang Guangdong Music ay lokal na musika na may katangian ng Southern Cantonese Culture. Masaya ang tunes na ito. Sa kasaysayan, ang Guangdong Music ay tinatawag ng "national music" sa loob at labas ng Tsina. Noong 1954, pinapurihan ng isang composer ng Soviet Uinon na ang Guangdong Music ay "transparent" musika, kasi kung maririnig ang Guangdong Music, maaaring agarang damdamin ang refinement ng musikang ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |