Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kasaysayan at tradisyonal na pagkain

(GMT+08:00) 2013-07-31 17:41:16       CRI

Habang naglalakad sa mga kalye ng Xi'an, makikita ninyo ang iba't ibang uri ng masasarap na lutuing lokal. Bilang isa sa mga lumang kapital ng Tsina, taglay ng mga pagkain ng Xi'an ang katangian ng magkakaibang lugar, lahi at kultura. Ibig sabihin, ang pagtikim sa pagkain ng Xi'an ay para ring proseso ng pag-aaral ng kultura at kasaysayan ng lunsod na ito.

Taga-Xi'an ang mahigit 80 taong gulang na si Ginoong Zhang. Nang mabanggit ang katangian ng pagkain ng kanyang lupang-tinubuan, sinabi niyang kahit ang lutuing Shaanxi o lutuing Xi'an ay hindi inilakip sa 8 pinakamalaki't kilalang lutuing Tsino, makikita ng bawat manlalakbay sa Tsina ang kani-kanilang paboritong pagkain dito.

"Ang pinakakilalang pagkain dito ay Pita Bread Soaked in Lamb Soup. Katangi-tangi rin ang ibang mga pagkain na gaya ng Steamed Cold Noodles at Shaanxi Hamburger. May ilang katangiang panlahi ang lutuing Xi'an, dahil ito ang lumang kapital ng 13 dinastiya sa kasaysayan ng Nasyong Tsino."

Malapit sa rehiyong pastulan ang lunsod ng Xi'an, kaya masagana ang karne ng baka at karne ng tupa. Noong sinaunang panahon, ang Pita Bread Soaked in Lamb Soup ay kumatawan sa kulturang royal. Pagkaraan ng ilang dinastiya, unti-unti nang kumalat sa lipunan ang naturang lutuin. Ngayon, nagsisilbi itong isa sa mga lutuing karapat-dapat na tikman ng mga manlalakbay na Tsino't dayuhan sa Xi'an.

Pita Bread Soaked in Lamb Soup

1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>