|
||||||||
|
||
popchina20130803
|
Sa ika-25 ng buwang ito, pipiliin ng MTV Networks ang Video of The Year winners, kasama ang mga big names na tulad nina Justin Timberlake, hip-duo Macklemore & Ryan Lewis, Taylor Swift at Robin Thicke. Nakita rin natin ang pangalan ni Bruno Mars. Pamilyar na pamilyar na tayo sa kanyang hottest hit na "Treasure", "Locked Out of Heave" at "When I Was Your Man," Pero, alam ba ninyo sa siya ay half-Filipino Isinilang sa Hawaii, si Bruno Mars ay may Pilipinong nanay at Puerto Rican na tatay. At habang ipinagmamalaki natin bilang mga Pinoy dahil sa pagiging sikat nina Charice, Lea Salonga at iyong mga purong Pilipino na Super Star, sa pagmamagitan ng bagong episode ng Top 10 Series program para sa gabing ito- Ang 10 pinakapopular na International Super Star na may dugong Pilipino, baka lalo kayong ma-excite at maging mas proud to be a Filipino kayo.
Kayo'y nasa China Radio International, Progremang Pop China na hatid ng inyong happiest DJ-Sissi. Pagkaraang mapakinggan ang kantang Proud 2B Pinoy na ibinigay ni Donna Cruz, agarang lalapit tayo sa 10 pinakapopular na International Super Stars na may dugong Pilipino.
Noong taong 2010, dahil sa kanyang mahusay na performance sa pelikulang True Grit, ang 14 taong gulang na si Hailee Steinfeld ay na-nominate para Best Supporting Actress Award sa Oscar. Isinilang sa California ng isang Pilipinong nanay, si Hailee ay kasalukuyang gumaganap ng lead roles sa maraming pelikula at nakipagkooperasyon pa minsan kina Harrison Ford, Kevin Costner, Guy Pearce, Kristen Wiig at Mark Ruffalo.
Kung napanood ninyo ang music video ng Baby ni Justin Biber, tiyak na hindi ninyo malilimutan ang Filipino-Mexican na si Jasmine Villegas. Bilang leading actress sa music video na napatugtog nang napakaraming beses sa buong daigdig, sinamantala ni Jasmine ang popularidad ni JB, direktang naging popular na R&B at Pop Singer at nagperform noong lumaban si Manny Pacquiao kay Ricky Hatton.
Susunod, tingnan natin ang Comedian na si Rob Schneider. Alam ng lahat ng tao na mayroon isang Pilipino nanay si Rob at ito ay madalas na lumilitw sa mga pelikula niya. Ngayon, tinanggihan niya ang papel sa hottest film series-'Grown Ups' at mas piniling mag-ukol ng quality time kasama sa kanyang walong buwang anak na babae.
Ang ika-7 pinakapopular na International Super Star na may dugong Pilipino ay si Steven R. Mcqueen, tiyak na pamilyar na pamilyar kayo sa papel ni Jeremy, kapatid ni Elena na ginampanan ni Steven doon sa popular na popular na TV series-The Vampire Diaries. Pero, alam ba ninyo, isinilang sa Los Angeles at lumaki sa Califonia, siya ay apo ng legend na si Steve McQueen at ng Pilipinong aktres na si Neile Adams? Minana ni Steven ang talento ng kanyang lolo at lola at unti-unting sumikat sa big screen.
Ang poging Latino singer na si Enrique Iglesias ay anak na lalaki nina Super Model, Journalist Isabel Preysler at singer Julio Iglesias. Sapul nang ma-publisize ang kanyang unang obra noong taong 1995, naging popular na popular si Enrique sa Amerika at Latin Amerika. Lumampas sa 60 libo ang bilang ng music albums niyang naibenta sa buong daigdig at mayroon pang 22 first champions single sa kasaysayan ng billboard.
Ang ika-5 pinakapopular na International Super Star na may dugong Pilipino ay si Vanessa Anne Hudgens. Sinabi niya minsan: "I am so proud of my heritage. I love being a Filipina. There aren't very many Filipino girls in the industry. So being able to stand up and be that girl makes me feel proud." Alam ba ninyo, kung ano ang nagugustuhan ni Vanessa? Hee hee, napakataas ko sa kanya, pero, kasimbigat natin~!
Ang apat pang pinakapopular na International Super Star na may dugong Pilipino ay walang iba kundi iyong mga big names na kinabibilangan nina Darren Criss, actor, singer at No 1 sa 2012 "30 Under 30: The Most Stylish Young Men In Hollywood" na pinili ng magazine GQ.
Allan Pineda Lindo, aka apl.d.ap, isinilang sa Angeles, Pampanga at nakasulat ng dalawang world famous na billboard champion singles apl song at bebot.
Brave talaga si Nicole scherzinger, lead singer ng disband na popular girl group Pussycat Dolls. Katatapos lang ng 5 taong relationship nila ni Lewis Hamilton, heartbroken, pero, tuloy pa rin sa kanyang trabaho. At, last but not least, Bruno Mars. Actually, bukod sa nasabing mga super stars, marami pang ibang dancer, singer, actor, producer sa buong daigdig na may dugong Pilipino tulad ng Cheryl Burke, Rachel Grant, Tia Carrere at etc. talented talaga ang mga Pilipino, di ba?
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |