|
||||||||
|
||
Ang bawat lugar ay mayroong sariling kuwento. Ito ay unang impresyon na iniiwan ng Jixi sa kaisipan ng mga turista. Sinabi ni Yang Shuangji, isang katutubong magsasaka ng Jixi, na
"Ang Lutuing Hui, isa sa 8 pangunahing istilo ng pagkaing Tsino, ay nagmula sa Jixi. Ang Huizhou inkstick, isang kilalang produktong kultural ng Tsina ay galing din sa Jixi. Bukod pa riyan, kilala rin ang Jixi sa mga arkitektura ng isitilong Hui at maraming kilalang taga-Jixi sa kasaysayan ng Tsina."
Ang Jixi ay isang nayon na nasa dakong timog ng lalawigang Anhui. Sa kasaysayan ng Tsina, ang Jixi ay nabilang minsan sa estado Hui mula Song Dynasty hanggang Qing Dynasty na sumasaklaw ng lalawigang Anhui at bahagi ng lalawigang Jiangxi ng Tsina ngayon. Ito rin ang ugat ng kulturang Hui na may impluwensiya sa kabuhayan, sining, arkitektura, medisina, edukasyon at literature ng Tsina.
Hanggang sa kasalukuyan, nananatili pa rin ang istilo ng sinaunang anyo ng mga arkitektura dito sa Jixi. Ang Longchuan county ay isang county ng Jixi na may mahigit 1600 taong kasaysayan. Ang apelyido ng mahigit 90% ng mga mamamayang lokal ng Longchuan ay Hu. Dito sa Longchuan, nakakakita ng mahigit 300 buo at preserbadong sinaunang arkitektura at pamanang pangkasaysayan. Ang ancestral hall ng pamilya ni Hu ay isang halimbawa ng mga ito.
Ang ancestral hall ay isang espesyal na lugar na ginamit ng isang pamilya noong sinaunang panahon ng Tsina para mag-alay sa mga ninuno. Ito rin ay ginagamit ng pamilya para ipagpatuloy ang mga pinsipyo ng pamilya at turuan ang mga bata.
Magandang tanawin sa Jixi
Back to "Gusto ko ang Sining na Tsino"
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |