Kilala ang Jixi sa masasarap na pagkain. Ang pagkain ng Jixi ay pangunahing bahagi ng Hui cuisine, isa sa 8 pangunahing istilo ng pagkaing Tsino. At masarap talaga ang mga putahe ng lutuing Hui. Ang pangunahing katangian ng lutuing Hui ay ang paggamit ng mga halaman at hayop na nakatira sa bundok. Ang paraan ng pagluto nito ay gumagamit ng maraming mantika at ibang mga pampalasa at sangkap na pangkulay.
Bukod pa riyan, kilala rin ang mga miryenda sa Jixi, lalo na ang Taguo. Ang pagkaing ito ay parang pizza ng ibang mga bansa. Pero magkaiba ang paraan ng pagluluto. Una pinalibutan ng arina ang mga stuffing, tapos gagawin itong parang pie at priprituhin sa kawali. Mahalimuya at masarap ang mga ito.
Ang mga stuffing ng Taguo ay kinabibilangan ng mga prutas at karne. Maaring manatiling sariwa ito nang ilang araw. Kaya noong araw, ginagamit ito ng mga mangangalakal bilang pangunahing pagkain kapag bumibiyahe papunta sa malayong lugar.
Ang Taguo
1 2