Ang pinakabantog na bagay sa Xi'an ay mga Mandirigmang Terra Cotta at mga Kabayong Terra Cotta ni Emperador Qin Shihuang, at itinuturing itong "Eight Wonder of the World." Noong 221BC, itinayo ni Qin Shihuang ang unang centralized state ng Tsina na may multi-rasyal na mga mamamayan. Bago mamatay, ginawa niya ang malaking musoleo para sa sarili. Noong dekada sitenta (70), sa isang maliit na nayon na malapit sa musuleo ni Emperador Qin Shihuang na kung tawagin ay Xiyang, nagbabaon ng tubo upang gumawa ng poso sina Yang Zhifa, Yang Peiyan, at iba pa, sa kabutihang-palad, aksidente nilang natuklasan mga terra cotta. Mula noon, naipamalas sa buong daigdig ang mga Terra Cotta Warriors at Terra Cotta Horses ni Emperor Qin Shihuang
Mandirigmang Terra Cotta
1 2