|
||||||||
|
||
Ang Shaanxi History Museum ay isa ring bantog na lugar sa Xi'an. Mahigit tatlong daa't pitumpung (370,000) libo ang eksibit sa museong ito. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga simpleng kasangkapang bato, kasangkapang tanso, terra cotta, kasangkapang ginto at pilak, miyural, at iba pa.
Labing walong (18) set sa mga eksibit ay ang relikyang may lebel na nasyonal. Isa sa mga ito ay ang Gilded Ox Head Agate Cup ng Tang Dynasty. Napag-alamang ito ang pinakamahalagang relikya ng Shaanxi History Museum. Ayon sa mga dalubhasa, ang Gilded Ox Head Agate Cup ay isang kasangkapan para sa pag-inom, at palagiang ginagamit ito sa mga seremonya at sakripisyo. Anila, ito ay nagpapahiwatig ng kapangyarihan at yaman ng bansa, at isa ring maringal na gawang-sining. Ayon pa sa mga dalubhasa, ang Gilded Ox Head Agate Cup ay posibleng isang regalong tributary ng mga bansa sa gitna o kanlurang Asyano sa Tang Dynasty. Mayroon itong mahalagang katuturan, at ito rin ay napakahalagang relikyang nalikha sa pagpapalitan ng sibilisasyon ng silangan at kanluran.
Shaanxi History Museum
Ceramic Sancai horse
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |