Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-39 2013

(GMT+08:00) 2013-10-21 18:01:05       CRI

Top 10 nakapagtatakang landas sa buong daigdig

Sapul nang isilang ang sangkatuhan, actively man o passively, natuto ring maglakbay ang mga tao. At para naman maging maginhawa ang kanilang paglalakbay, nag-construct sila ng mga lansangan. Hanggang sa kasalukuyan, mahigpit na ipinag-uugnay ng mga lansangan ang lahat ng tao at dito lumitaw ang maraming kataka-takang lansangan sa buong daigdig. Sa bagong episode ng Top 10 Series para sa gabing ito, tutunghayan natin ang sampung pinakaespesyal na lansangan sa buong daigdig.

10. Pinakamatarik na lansangan-Baldwin St.; Ang Baldwin Street sa Dunedin, New Zealand ang pinakamatarik na lansangan sa buong daigdig. Maraming lunsod sa New Zealand ang itinatag sa bundok at kasama na roon ang Dunedin. Ang Baldwin Street ay idinisenyo ng ilang British designers (o architect) na hindi man lang nakadalaw sa Dunedin. Simpleng nagdrowing sila ng ilang linya sa mapa at hindi na-realize na ang idinodrowing nila ay ang pinakamatarik na lansangan sa buong daigdig. Ang dahilig o slope ng Baldwin Street ay umabot sa 19° o 35% at dahil sobrang matarik ang dahilig, ang mataas na parte ng lansangan ay ginamitan ng concrete dahil kung chip o aspalto ang gagamitin baka matunaw at umagos ito pababa pag nainitan ng araw.

9.Tanging lansangan sa Britanya na kailangang tumakbo sa kanan ang mga kotse-Savoy Court, Alam natin na, sa Britanya, hindi tulad ng iba pang bansang Europeo o E.U., ang mga kotse ay dapat na tumakbo sa kaliwang parte ng lansangan. Pero, ang Savoy Court Street, bilang daanang palabas-papasok ng Savoy Hotel, kauna-unahang maluhong hotel sa Britnya, ang tanging lansangan sa England na kung saan itinatakda ng batas na dapat sa kanan tumakbo ang mga kotse tulad noong unang buksan ang Savoy hotel noong 1889.

8.Pinakamasamang roundabout sa buong daigdig-The Magic Roundabout, England-Kilalang kilala ang magic roundabout o sirkular na interseksiyon ng England sa hanay ng mga netizen, dahil ito ay lumitaw sa halos lahat ng album ng mga nakakatawang litrato. Ito ay binubuo ng isang malaking sirkular na interseksiyon at ng limang maliliit na sirkular na interseksiyon. Sa maliliit na roundabout, dapat pa-clockwise ang takbo ng mga kotse; pero sa malaki, counterclockwise. Puzzled ba kayo? Ito ang itinuturing na pinakamasamang roundabout sa daigdig.

7.Lansangan na napakaraming liku-liko - Lombard Street, San Francisco. Ang halos isang-libong metrong lansangan na ito ay may walong sharp turns. Baka isipin ninyo na sira ang ulo ng nagdisenyo nito. Ang totoo, napakatalino ng nagdisenyo nito. Datapuwat hindi kasintarik ng Baldwin Street, matataas din ang mga dahilig o slopes ng Lombard Street, at para maigrantiya ang kaligtasan ng mga kotse, gumamit ang tagadisenyo ng mga sharp turns para ma-neutralize ang mga dahilig ng lansangan.

6. Pinakamalapad na lansangan-Avenida 9 de Julio, Buenos Aires Agentina. Ang pangalang Avenida 9 de Julio ay isinunod sa petsa ng Independence Day ng Argentina. Ito ang pinakamalapad na lansangan sa buong daigdig. Mayroon itong pitong lanes sa lahat ng direksyon at mga 110 metro ang lapad ng bawat lane. Sa magkabilang pampang, nagtipun-tipon ang maraming sikat na arkitekturang tulad ng dating Embahada ng Pransiya, Istatuwa ni Don Quixote, sikat na Obelisk Tower at Plaza de la Republica.

5. Pinakamatandang batong lansangan- Road To Giza. Ang road to Giza ay alam nang pinakamatandang lansangang ginawa ng sangkatauhan . Ito ay may 4600 taong kasaysayan. Pinag-uugnay nito ang tibagan ng bato sa timog kanlurang Cairo at puwerto sa Lawang Moeris na umaagos sa Nile River. Noong panahong iyon, nangangailangan ang Giza ng maraming bato para sa pagtatayo ng mga bahay at paggawa ng mga lansangan, at ang lansangang ito ang ginamit sa paghahatid ng malalaking bato.

4. Pinakamakitid na lansangan: Spreuerhofstraße, Germany (50 cm). Ang Spreuerhofstraße ay nasa Lunsod ng Reutlingen, Baden-Württemberg, Germany. Ito ang pinakamakitid na kalye sa buong daigdig, 31 centimeters ang pinakamakitid na parte at mga 50 centimeters ang pinakamalapad. Ito ay ginawa noong 1727, pero, hanggang noong 1927, pagkaraan ng isang malaking sunog na tumupok sa buong lunsod, natuklasan ng mga opisyal na lokal ang kalyeng ito.

3. Pinakamahabang lansangan-Pan-American Highway; umabot na sa 48000 kilometro ang kabuuang haba ng Pan-American Highway na nag-uugnay sa 15 bansa sa North America na kinabibilangan ng E.U., Kanada, Mexico, Peru, Argentina, Salvador.

2. Pinakamaikling kalye- Ebenezer Place; Ang pinakamaikling kalye sa buong daigdig, sa katotohanan, ay pinagsangahan ng dalawng kalye at noong 1883, habang itinatag ang Ebenezer Place, ipininta ng may-ari ng gusali, isang hotel sa panahong iyon, ang isang pangalan sa pinakamaliit na mukha ng hotel at ito ang ipinatalastas bilang isang street sa taong 1887. By the way, umabot sa 2.06 metro lamang ang kalyeng ito.

1. Magnetic street sa iba't ibang lugar sa buong daigdig. hindi katulad ng nasabing mga kalye, Ang magnetic street ay malawakang natuklasan sa buong daigdig. at sa ganitong uri ng kalye, atomatikong tumakbo sa taas ang mga kotse o biskleta at mararamdaman niyong madali kung pupunta sa taas pero, mahirap kung gustong bumaba. At kung gustong bistahin ang iyong mga magnetic street, puwedeng hanapin sa wiki.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>