|
||||||||
|
||
Ok, iri-reveal ko na ngayon ang aming music chart para sa unang linggo ng taong 2014. Sa ika-10, maririnig natin ang kantang I won't wish, na galing sa kilalang TV host at Singer ng Taiwan na si Ate Momoco at dalawang bese na pumasok sa aming music chart at bumaba nang isang puwesto noong isang linggo.
Sa ika-9, ay kantang clown na inilakip sa pinakahuling album na may pamagat na Zero ni Faith Yeung. Ito ang kanyamg ika-5 album pagkaraang ma-publisize ang kanyang album na dame na nakatanggap ng mainit na pagtanggap nitong 7 taong nakalipas.
Sa ika-8, ay isang kantanging contest, hindi tulad ng ibang kanta ni Huang, walang resounding screams, may kaunting touch ng rock and roll at nabago nito nang malaki ang imahe niya at naging napaka-fashionable.
Susunod, mapapakinggan natin ang isang tender voice. Ang kantang kuwento mula sa bandang soda green. Kung mababanggit ang kantang ito, dapat espesyal na isalaysay ang kanilang music video. Sa proseso ng pagsu-shoot, inanyayahan nila ang 3D teknik group na gamitin ang pelikulang Avatar, at ang kabuuang pagsu-shoot ay nadagdagan ng iba pang post production. Sabi nila ang kabuuang bolyum ng gastos ay puwede nang gamitin sa isang pelikula.
Ang ika-6 na kanta ay medyo mahaba ang pamagat. Iyan ang kantang "Something, if you don't do it right now, then, you will not do it any more galing sa bandang May Day. Ang kantang ito ay inilakip sa kanilang ablum na pinamagtang "Second Life." Sapul nang i-publisize ang album na ito noong 2011, nakalikha na ito ng maraming bagong record. Nakatanggap ito ng maraming gawad sa mga music festival. At sa music video, gumanap ang limang miyembro ng May Day band ng papel ng insurance underwriter at pagkatapos ng kanilang business, nagsisikap sila sa abot ng makakaya para mag-alaga ng anak para sa nanay, magbenta ng gulay para sa mga magsasaka, at iba pa. Kaya naman sabi ng ilang music fans, "Wow, ang cute naman ng rock and roll band na ito.
Tapos, tingan natin ang ika-5 pinakapopular na kanta para sa noong isang linggo. Iyan ang kantang "Queen" na kaloob ni Show Luo. Actually, dapat taos-pusong batiin natin si Show Luo dahil tatlong araw pagkarang ma-publisize ang kanyang bagong album na "Lion," bumenta ito ng 100 libong copya, isang napakagandang numero, at magsisimula naman ang kanyang bagong world tour concert sa kasalukuyang buwan.
Sa ika-4 na puwesto ay kantang Summer Time mula sa Summer, pumasok at nanatili sa music chart sa loob ng dalawang linggo at tumaas ng isang puwesto nitong nagdaang linggo.
Sa bandang huli, punta tayo sa Top 3, kung alin ay puwedeng matanggal sa kanilang puwesto habang walang humpay na sinasalakay ng mga bagong kanta.
Ang ika-3 pinakapopular na kanta ay isang old song, kantang DV na kung saan nag-collabrate sina Vivi Jiang at Danis Lee. Apat na beses pumasok sa chart at tumaas ng isang puwesto sa tinalikdang linggo, at sa ika-2, isang old song naman, kantang Sun Rise At West. Napakalaki ng kakayahan. Nanatili sa chart sa loob ng maraming linggo at umakyat pa ng isang puwesto nitong nagdaang linggo.
Tapos, punta tayo sa first place. Ang winner ng ating music chart ay ang kantang "Mircle Of December." ng grupong EXO. Hindi tulad ng ibang kanta nila, nananatiling pataas-pababa. Napaka-gentle at medyo malungkot ang kantang ito. Parang isang grenade, madaling umaabot sa inyong puso kapag napapakinggan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |