Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-3 2014

(GMT+08:00) 2014-03-13 16:34:09       CRI

Bising-busy sa mga parties, sa pag-sho-shopping at paged-date. Matagal na hindi ninyo napag-ukulan ng pansin ang sirkulong musikal, di ba? Nitong ika-4 na kuwarter ng taong 2013, na-publicize ang mga 300 kanta sa Tsina. May mga reputable old singers at hindi rin naman kulang sa sariwang boses ng mga bagong singer. Kung titingan ang mga music chart, makikita nating hakbang hakbang umaahon ang mga singer na napili mula sa singing contest at sa tulong ng popularidad na nakuha nila sa proseso ng paglahok sa contest, unti-unti sila sumikat sa mass media at Internet. At ngayong gabi, mapapakinggan ang 10 pinakapopular na kanta para sa ika-4 na kuwarter ng tanong 2013. at sa 11 winners, may 7 galing sa Taiwan at HongKong na nagpapakitang ang mga singer ng Taiwan at HongKong, ay nananatiling pillar ng sirkulong musikal ng Tsina.

Sa ika-10, Maririnig natin ang kantang "After Saying Good Bye" na kaloob ng bandang soda green mula sa Taiwan. Dalawang beses itong pumasok sa music chart at ang pinakamagandang puwesto ay first place.

Tapos, naririnig natin ang kantang "Hand Language" ng forever king of pop, Jay Chow. Bagama't mas interesado siya sa pagsu-shoot ng pelikula, pagnenegosyo at pakikipag-date sa kanyang batang-batang girlfriend, hindi rin naman bumulusok ang music career niya.

Tiyak na pamilyar na pamilyar kayo sa boses na ito, di ba? Jolin Tsai at kanyang kantang biyahe, pumasok sa aming music chart ng tatlong beses at ang pinakamagandang puwesto ay first place.

Noong Nobyembre ng taong 2013, ipinalabas ni Hebe ang kanyang ika-3 indibiduwal na album na pinamagtang small, hindi tulad ng kanyang istilo sa grupong S.H.E., pinili ng 31 taong gulang na si Hebe na kumanta ng mga gentle, thought-provoking songs. Kinunan ang music video niya sa Iceland. ikinukot ng mga puting lupa at yelo ang isang babaeng nakadamit ng dark na damit na naging maliwanag na kontrast.

Ang ablum na lion's roar ni Show luo na na-publicize noong katapusan ng Nobyembre ay puwedeng sabihing "black horse ng sirkulong musikal ng Tsina para sa taong 2013. Sinamantala ang mga paksang may kinalaman sa kanyang love story, music video at bagong appearance, idagdag pa ang apat na kantang kinatha niyang sarilinan, na, tatlong araw na pagkaraang ipalabas, bumenta ng 100 libong kopya.

Ang unang ablum ng EXO, bumenta ng 1 milyong kopya at agarang ipinalabas nila ang bagong mini album na pinamagtang "Miracle of December." Ayon sa kinagawian, ipinalabas nila ang dalawang edisyong ablum sa wikang Tsino at wikang Timog Koreano, at bumenta ng 430 libo sa mahabang panahon.

Pagkaraan ng dalawang taong paghahanda, noong Oktubre, Naipublisize ni taiya Cai ang kanyang ika-13 album. Ang kanyang pangunahing kantang "Trained Elephan" ay naglalarawan sa walang humpay na weizhuang ng sangkatuhan para iniadpet sa kasalukuyang lipunan at ang kantang ito ay naging tanging kantang na nananatiling first place nang dalawang linggo. Sa nasabing album rin, may isang kantang "Dropping Down," na kinatha at sinulat ni Taiya Cai Sarilinan at naging first place din. Hindi tulad ng ibang singer na gustong i-shoot ang music video sa bansang dayuhan, ang kantang "Little Star" ni Shang Wenjie ay kinunan sa Tibet ng Tsina. Sabi niya ang kantang ito ay nagsasabing bumalik sa kadalisayan ang sangkatauhan para Makita ang tunay na sarili.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>