|
||||||||
|
||
Noong isang linggo, binalik-tanaw natin ang mga pinakapopular na kanta sa Tsina at, sa gabing ito, lalabas naman tayo ng Tsina at titingan ang pinakapopular na kanta sa Timog Korea. Bilang fashion icon sa buong Asya, sino ang inyong paborito at kung aling melody ang inyong kumakanta, Opa, GANGNAMSTYLE?
Walang duda, matagumpay na napalamig ng kantang "I got na boy" na ipinalabas ng Girl's Generation noong unang araw ng taong 2013 ang fever na dinala ni PSY sa buong taong 2012. Noong unang ma-publisize, sila ang naging kampeon sa lahat ng music charts sa Timog Korea at napiling isa sa pinakapopular na 10 kanta sa buong daigdig ng Times Magzine at siya ang tanging artistang Asyano na pumasok sa listahang ito.
Bilang leader ng super pop group na "Big Bang" ng Timog Korea, ang tinalikdang taong 2013 ay year of harvest para kay G-dragon. Ang pangunahing kantang Coup O'tat ng kanyang ika-2 individual album na ipinlabas noong Sytembre ay napiling ika-22 sa Top 50 electronic music sa billboard samantalang ang kanta nilang Crooked ay nakatanggap naman nang mainit na pagtanggap mula sa music fans. Ang music video ay kinunan sa London at dito ay nagpalit si G-Dragon ng 16 na costumes sa 3 minuto 46 na segundong video clip na ibig sabihin sa bawat 14 na segundo, makikita ninyo ang bagong appearance ni G-Dragon.
Kung sasabihing build up forces ang EXO noong taong 2012, iyon ay dahil umabot sa tugatog ang kanilang popularidad noong taong 2013. Ngayong taon, nag-publisize sila ng kanilang kauna-unahang album, ang "Growl," na bumenta ng isang milyong kopya. Ito ang isa pang album na bumenta ng isang milyong kopya pagkaraan ng 13 taong pananatili sa sirkulong musikal ng T.Korea.
Samantalang lumilikha ng bagong rekord ang bagong generation, sinalubong naman ng bandang Shinhwa ang kanilang ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag at, bilang paggunita, ipinalabas nila ang kanilang ika-11 ablum at sinimulan ang kanilang world singing tour.
Hindi tulad ng ibang girls' group na gustong magpakita ng kanilang pagiging cute at sexy sa harap ng screen, ang grupong Crayon Pop ay may pagka-weirdo. Nagsusuot ng sports wear, hamlet at nagsasayaw tulad ng pagpapump, nakatawag sila ng malaking pansin ng music fans at naging kilala sa iba't ibang sulok ng Korea noong Hulyo.
Noong 2013, maraming super stars at super groups ang pumarito sa Tsina para magdaos ng konsiyerto. Kabilang dito si Avril Lavigne, METALLICA, Sarah Brightman, Suede, Lenka, One Republic at iba pa, Masasabing napaka-impressive ng concert ni Lenka Kripac. Noong magtanghal si Lenka, siya ay may grabeng sipon pero ipinagpatuloy pa rin niya ang pagkanta sa loob ng isang oras hanggang sa siya ay tuluyang maubusan ng boses.
Ang kasalukuyang 36 na taong gulang na si Lenka, na nag-publisize ng kanyang kauna-unahang album noong 2007 ay tinaguriang music spirit ng Australia dahil sa galing niya sa pagkatha.
Noong 2001, ikinasal si Lenka at si James Gulliver Hancock, isang illustrator ng Australya at ipinanganak ang kanilang anak na lalaki na si Quinn. Pagkaraan ng dalawang taong pagpapahinga, ipinalabas ni Lenka ang kanyang ika-3 album na "Shadows" noong Hunyo 2013. Sa kanyang konsiyerto sa Beijing, kinanta niya ang ilang class hits kasama na ang ilang new songs.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |