Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-5 2014

(GMT+08:00) 2014-03-13 16:38:36       CRI
Ang buwan ng Enero ang busiest time ng sirkulong musikal sa buong daigdig. Bakit ko nasabi ito? Dahil maraming impluwensyal na music festival ang magkakasunod na idinaraos sa buwang ito, tulad ng katatapos na Grammy Music Award, Golden Disc Awards sa Timog Korea, etc., at hinggil po diyan ang paksa natin ngayong gabi. Noong isang linggo, isinapubliko ang listhan ng nominasyon para sa mga kanditato sa British Record Industry Trust Awards. Sa darating na 30 minuto, titingan natin kung sino ang magiging big winner at pinaka-shining super star sa awarding ceremony na nakatakdang idaraos sa darating na ika-20 ng Pebrero, sa 02 Arena ng London.

Ang British Record Industry Trust Awards o BRIT Awards na may 37 taong kasaysayan ay sinimulan ng British Phonographic Industry para papurihan ang mga namumukod na mang-aawit na Britaniko. Pinipili ang mga winners sa pamamagitan ng pagboto ng mga kinatawang galing sa mga music company, mass media, DJ at iba pang personahe ng music industry. Ang mga kategorya naman ay British Male Solo Artist, British Female Solo Artist, British Breakthrough Act, British Group, British Single, British Album of the Year at iba pang 4 na prize. Ang Pinoy-American na si Bruno Mars ay na-i-nominate na International Male Solo Artist para sa 2013, at tiyak siyang mag-pe-perform sa awarding ceremony.

Hindi tulad ng Grammy o American Music Awards, mataas na pinahahalagahan ng BRIT's ang pag-e-encourage at paghahanap ng mga bagong singer; at ang mga prize ay madalas mapunta sa mga di-kilalang mang-aawit. Kung titingan ang listahan ng nominasyon sa taong ito, makikita ang katanging ito. Pawang apat na nominasyon ang natanggap ng bagong rock roll band na "Bastille" at electronic music band na "Disclosure," na binubuo ng mga kabataang isinilang pagkaraan ng 1990s. Ang nasabing dalawang banda ay baka hindi pa pamilyar sa mga music fans na Britaniko.

Ang bandang Bastille ay itinatag nitong apat na taong nakalipas sa London. Noong 2011, pormal nitong nilagdaan ang kasunduan sa isang music company, at isinapubliko ang unang album na Bad Blood noong taong 2013. Ang karaniwang edad ng apat na miyembro ay hindi lalampas sa 30. Innovative ang kanilang istilong musikal at mahusay sa vocal accompaniment.

Ang Disclosure naman ay isang electronic music band na binubuo ng magkapatid na sina Guy Lawrence, 23 taong gulang; at Howard Lawrence, 20 taong gulang. Noong 2012, sa pamamagitan ng single na Tendly/Flow, opisyal na pumasok sa sirkulong musikal ang banda; at noong isang taon, isinapubliko naman nila ang ablum na Settle. Tinawag nito ang pansin ng Brit's, at nai-nominate din sa katatapos na Ika-56 na Grammy sa kategoryang pinakamagandang electronic music ablum.

Sa nominasyon sa British Male Solo Artist, ang mga singer na nakikipagkompetensiya sa 66 na taong gulang na rock and roll master singer na si David Bowie ay apat na kabataan na isinilang sa dekada otsenta (80) at nobenta (90).

Una, Tome Odell, isinilang sa taong 1990, ipinalabas ang kanyang unang album na Long Way Down noong taong 2013. Nakuha niya ang gatimpalang Critics'Choice sa Ika-33 BRIT's noong isang taon.

Ika-2, James Blake, isinilang sa taong 1989, second runner ng BBC Sound of 2011, at hanggang sa kasalukuyan, kakalabas pa lang ng kanyang ablum na James Blake.

Sunod ay isang 20 taong gulang na mahusay sa gitara at tinatawag ng mga music fans na "18 taong gulang na Bob Dylan," si Jake Bugg.

Tiyak na pamilyar na pamilyar kayo sa kasalukuyang awit, ito ang kantang "Love Me Again," na kaloob ni John Newman, isinilang sa taong 1990. Bilang kasalukuyang popular na soul at rock and roll music composer at singer, siya ay isa sa mga pinakapromising na kanditato para sa kategoryang Male Solo Artist.

Sa aspektong Female Solo Artist, bukod kina Jessie J at Ellie Goulding, ang ibang 3 nominee ay tatlong bagong singer.

Si Bridy na isinilang noong taong 1996, ay nakilala mula sa singing contest, mahusay siya sa pagkanta, pati sa pagkatha.

Laura Mariing, isinilang noong taong 1990 at opsiyal na pumasok sa sirkulong musikal noong siya ay 19 taong gulang. Nakuha na niya ang British Female Solo Singer sa Ika-31 BRITs.

Si Laura Mvula ay isang soul singer-songwriter na galing sa Birmingham. Noong 19 na taong gulang siya, nagsimula siyang umawit sa bandang itinatag ng kanyang tiya, at sumikat siya sa kantang "Sing to the Moon." Ito ay umabot sa ika-9 sa UK Albums Chart at ika-173 sa US Billboard 200.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>