|
||||||||
|
||
Nagiging more and more exciting ang pagpapatugtog ng musika dahil sa inyo. Magandang magandang sabado ng gabi po, mga lovely kong music fans. Ito si Sissi, ang inyong ever and ever happiest DJ at ito muli ang Pop China-we play only the hits.
Kapag nababanggit ang mga musikang may kinalaman sa World Cup, hindi maaring hindi natin banggitin ang pangalang Shakira. Mula noong 2006 German World Cup hanggang sa kasalukuyang Brazil World Cup, kahit hindi kayofootball fans, tiyak na alam ninyo ang kanyang wakawaka (time for Affica), o lalala. Pero, para sa akin, mas nagugustuhan ko ang kanyang kantang hips don't lie.
Kung hindi kayo nagsasawang makinig sa wakawaka, we are the one at iba pang passionate, hot, dance music, tiyak na magugustuhan ninyo ang kantang "time of our lives" na inawit nina Toni Braxton at groupong II Divo. Ito raw ang most peaceful song sa kasaysayan ng world cup. Sa saliw lamang ng piano, nagkolaborasyon ang mahusay na soul singer at bel canto group na perpektong inilarawan ang iyong life battle ng nakararaming football player at life time ng lahat ng football fans. Kapag nasimulan ang melody na ito, mag-iiba agad ang pakiramdam ninyo, di ba?
Kung sasabihing ang singer na may mahigpit na kinalaman sa World Cup ay si Shakira, ang banda naman na may pinakamahigit na kinalaman sa world cup ay ang Queen. Ang kanilang classic hit na "we are the champions" ay theme song ng 1994 America World Cup, at ito, kasama ng isa pang kantang "we will rock you," ay naging palatandaan ng Queen. Sa mga award ceremonies o sa petsang lumilisan ng battle field ang mga heroes, ito ang hymn na nagpupugay sa kanilang katapangan.
Bagama't halos sampung taon na ang nakararaan, kung maririnig ang kantang "Cup of life" ni Ricky Martin, hindi pa rin nawawala ang excitement ko dahil, noong panahong ini-release ang kantang ito, noong 1998 French World Cup, katatapos lamang ng college entrance examination ko. Biglang nawala ang lahat ng presyur at puwedeng manood ng world cup nang buong araw at buong gabi, puwedeng maglaro nang walang inaalalang homework at matulog hanggang sa sumakit ang ulo. Kasi, ang kantang ito ay mayroon espesyal na katuturan sa aking generation. Isang kantang kumakantawan sa kalayaan at kasiyahan.
Kamakalawa o more precisely kahapon ng madaling araw, tinalo ng Portugal ang Ghana. Pero, dahil sa goal difference (GD), nakakahinayang na natapos ang biyahe ng team Portugal sa World Cup. Sa mahigit 60 taong kasaysayan ng World Cup, limang kompetisyon lamang ang nalahukan ng Portagul ang at ang pinakamagandang resulta ay ika-3 sa 1966 England World Cup. Ang leader ng kasalukuyang Portugal National Team ay ang winner ng 2013 Golden ball award na si Cristiano Ronaldo. Pero, ayon sa mass media, Portugal is never afraid of "our competitors being too strong, but afraid of our colleagues when too weak."
Ang naririnig ninyo ay theme song ng Portugal team para sa Brazil World Cup, kantang Val Portugal! na inawit ng 15-taong-gulang na Portuguese female singer na si Kika. Bagama't isang taon pa lamang na nananatili sa sirkulong musical, noong isang taon, sa tulong ng kantang "Alive" na kinanta at kinatha niya mismo, naging winner siya ng TOP 3 best selling album sa loob ng bansa. This time, dahil sa pagkanta ng opisyal na theme song ng Portuguese National Team, naging ibayo pang popular si Kika sa loob ng bansa at nakakatawag na rin ng mas malaking pansin sa buong daigdig.
Dahil sa kanyang pagkanta ng awit ng World Cup, sumikat ang Portuguese singer na si Ana Free. Tama, dahil sa muling pagkanta ng nasabing theme song ng South Africa World Cup, mainit na tinanggap si Ana Free sa YouTube, at matagumpay ring nakapag-release siya ng limang album hanggang sa kasalukuyan. Marami siyang tagahanga hindi lamang sa Portugal kundi maging sa labas ng bansa.
Marahil dahil na rin sa wika, istilo at iba pang elemento, bihira tayong makakita ng superstars mula sa Portugal; pero, tulad ni Cristiano Ronaldo, umaasa tayong makarinig ng mas maraming exciting things mula sa bansa ng bullfighters. Ok, diyan nagtatapos ang ating programa para sa gabing ito. Ito si Sissi at itong muli ang Pop China. Magandang gabi.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |