|
||||||||
|
||
These singers have something in common. Sila ay products ng talent shows. Tuwing summer, kapag sinimulan ng mga estudyante ang kanilang masayang masayang summer vacation dito sa Tsina, sa TV simula na rin ang inaabangang battle, ito ay ang labanan sa mga talent shows o singing contests na nakatawag ng malaking pansin mula sa mga taong may pangarap na maging isang super star.
Ngayong gabi, samahan ninyo ang happiest DJ-Sissi, at titingan natin ang ilang bagong winners ng mga katatapos lang na season ng talent shows. Bukod sa kanilang boses, pang-akit din sa mga viewers ang kanilang mga karanasan.
Ang naririnig ninyo ngayong ay ang kantang The thing you don't know na inawit ni Chen Yongxin, isang participant sa pinakamalaking singing contest ngayong dito sa Tsina walang iba kundi ang Voice of China. Bilang isang Chinese-Malaysian, mayroon siyang propesyonal na kakayahan sa pag-awit at mas mahalaga, 90% na kamukha niya si Moon Geun Young, popular na artista sa Timog Korea at kilala sa tawag na "the nation's little sister, at napag-alamang, sa gabi ng pagpapalabas ng grand finale ng programa, natanggap na ni Chen ang ilang kontrata mula sa music companies at higit 30 milyong beses nang pinanood ang ang video clip niya sa pagkanta. Sumikat si Chen Yongxin dahil sa natural na angking ganda na talaga namang pang-artista!
Nakatawag din ng malaking pansin ni Ye Qinqin, miyembro ng bandang Robynn at Kendy na galing sa HongKong dahil sa kilala at espesyal na family background niya. Siya ang granddaughter ni General Ye Jianying, isa sa mga pambansang bayani sa panahon ni Chairman Mao. Dahil sa kanyang hilig sa music, patuloy na nag-aaral siya ng music at iniupload ang video clip saYoutube, sa stage ng Voice of China, kumpara sa ibang kalahok, hindi namumukod ang kanyang boses, pero, iginagarantiyang paborito ang unplugged singing style niya at natanggap ang pagkilala ng ilang music fans.
Bago pa lang ang Vioce of China sa mainland Tsina, pero sa Amerika at iba pang lugar ng daigdig, marami na ang naging recording artists at sumikat dahil sa mga singing contests. Ang naririnig ninyo ay ang 38 taong gulang na si Josh Kauvman, bilang pinakamatandang winner sapul nang umere ang TV Show na Voice of America. Hindi siya guwapo at hindi rin perpekto o matipuno ang katawan niya pero, sorpresa para sa lahat ng tao nang marinig ang kanyang pagkanta at ang galing niya sa pagbirit. May Masters Degree siya sa Philosophy, binuo rin ni Josh ang kanyang sariling banda sa hometown at kumikita sila sa pagtugtog.
Kung hindi ninyo type si Josh, baka mas preferred ninyo ang 19 taong gulang na Black Buddy. Ill give some cluse: isinilang siya sa isang pamilyang talagang musikal at di matatawarang talento sa pagkanta, kung hindi siya sumali sa Voice of UK, malamang isa siyang propesyunal na opera singer. Pero, pinili niya na umakyat sa stage at kumanta ng Wrecking Ball. Nag stand out siya kumpara sa ibang participants, dahil gusto niyang dagdagan ng resonate bel canto ang style niya sa pagkanta ng mga pop music at lumikha ng konting sorpresa. Siya ay walang iba kundi si Jermain Jackman, winner ng katatapos na Vioce of UK.
Bukod kay Jermain Jackman, sa pamamagitan ng pagboto ng mga audience, napili ng kilalang TV program na Britain's Got Talent ang winner na Groupong Callibro na binubuo ng limang guwapong lalaki. Actually, 2 taong nakaraan, sumali na rin sila sa isang Talent Show, pero, sayang nabigo sila. This time, sa tulong ng kanilang makikisig na appearance at may harmonyang collaboration, nakuha nila ang pagkatig ng maraming fans at matagumpay na tinanggap ang mahigit 2.6 milyong Pounds na premyo at isang contract para sa i-record ang sariling album sa susunod na taon.
Pagkaraang maglakbay sa mga bansang Kanluranin, bumalik tayo sa Asya at pumunta sa South Korea. Katatapos lang ng pinakamalaking singing contest sa loob ng Timog Korea na KPOP STAR na inihandog ng tatlong malaking talent companies ng South Korea na YJ, JYP at SM. Dito, ang lahat ng namumukod na performer ay may pagkakataong pumirma ng kontrata sa nasabing mga entertainment companies. Ang naririnig ninyo ngayon ay si Bernard Park, isang Korean-American, bagamat hindi marunong magsalita ng wikang Korean, sa pamamagitan ng pagkanta ng mga English songs, nakuha niya ang score na 299 --- pinakamataas na score sa kasaysayan ng K pop Star. Dahil dito si Bernard Park ay naging pinakapromising super star sa Korea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |