Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-25 2014

(GMT+08:00) 2014-09-02 17:57:26       CRI
Noong ika-2 ng Agosto, sinalubong ni Avril Lavigne ang kanyang 1st wedding anniversary at natanggap ang 17 carat na diamond ring mula sa kanyang asawang si Chad Kroeger, lead vocalist ng bandang Nickelback. Excited na nag-twit si Avril tungkol dito. Sabi nya "I still can't believe my 1st year anniversary gift, 17 carat emerald cut diamond. Wow! I love my hubby." Actually, noong isang taon, nang mag-propose si Chad kay Avril, ibinigay niya ang isang 14 carat na dimond ring kay Avril. Kasunod ng paglipas ng panahon, hindi lumiliit pero, lumaki ang carat ng diamond. Maraming babae ang sa palagay ko ay inggit na inggit kay Avril!

Habang kinaiinggitan ng maraming babae ang maluhong 1st year anniversary ni Avril, tingan naman natin ang isa pang winner sa kanyang buhay. Ang pagbibigay ng malaking diamond, ay game na paulit-ulit na nilalaro ng mag-asawang Mr. at Mrs. Beckham. Ayon sa ulat, sa kanilang Ika-15 taong anibersaryo ng kasal, 13 diamond ring na ang naibigay ni David Beckham sa kanyang asawang si Victoria Beckham Kabilang dito ang isang mahigit 19 na carat na diamond ring na nagkakahalaga ng mahigit 1 milyong pounds.

Ok. Ipagpatuloy natin ang excitement sa gabing ito. Sa mainit na panahon, bukod sa pakikinig ng musika, isang magandang ideya ang pagkain ng ice cream o popcorn, at manood ng isang bagong pelikula sa air-conditioned sinehan. Kung napanood na ninyo ang The Expendables I at II, hindi ninyo dapat ma-miss ang Expendables III, na 15 sikat na artista. Kabilang sa mga ito ay sina Harison Ford (75 taong gulang), Arnold Schwarzenegger (68 taong gulang), at ang 65 taong gulang na si Sylvester Stallone. Kaya, siguradong mag-e-engjoy kayo sa pelikulang ito, dahil talagang mga batikan ang mga gumaganap.

Ang naririnig ninyo ay ang kantang The Stroke na ibinigay ni Billy Squier noong 1981: ito rin ang theme song ng Expendables III. Ang kanta ay tulad ng mga aktor, medyo may-edad na, pero, nananatili pa ring energetic at may karisma sa big screen. Kapag pinanood ninyo ang The Expendables III, siguradong mabubuhay muli ang natutulog ninyong ugat.

Noong 2013, sa pamamagitan ng 0 positive comment, nakakuha ang pelikulang The Croods ng 40 milyong yuan RMB o 6.6 milyong dolyares na box office sa mainland Tsina. Makaraan ang isang taon, muling napagtagumpayan ng bagong pelikula ng DreamWorks na How to Train Your Dragon II ang lahat ng mapiling mata ng mass media sa North America at natanggap ang buong pagkakaisang papuri. Sabi pa ng ilang media, ito ang pinaka-exciting na animated film nitong 10 taong nakalipas. Isa pang bagay na dapat banggitin, ay ang theme song nitong "Into A Fantasy" na inawit ni Alexander Rybak, winner ng 2009 Eurovision Song Contest.

Para gunitain ang Ika-80 taong kaarawan ni Fujimoto Hiroshi, Creator ni Doraemon. Noong ika-8 ng Agosto, opisyal na ipinalabas ang Ika-36 na theater version ng Doraemon Series na "Stand By Me" sa Hapon. Ito ang kauna-unahang 3D edition ng Doraemon Series sa kasaysayan ng pagtatagpo, pagiging magkaibigan, at paghihiwalay nina Doraemon at Nobita Nobi. Ang theme song ng pelikulang ito na "appointment of sunflower" ay inawit ni Hata Motohiro. Napakalinis ng boses ni Motohiro na tinatawag ng mga music critic na kombinasyon ng salami at bakal.

Habang sinasalubong ni Doreamon ang kaarawan ng kanyang tatay, nagdiriwang din ng kaarawan si Tarzan. Alam ba ninyo, 100 taong gulang na si Tarzan, sapul nang ipinalabas ang original na novel ng Tarzan noong 1914. Sa kanyang Ika-100 taon, umbot sa halos 100 din ang bilang ng mga TV drama, opera, aminated film, at comic book kung saan may leading role si Tarzan. Noong 1999, ang pelikulang Tarzan na ginawa ng Disney ay nakakuha ng 45 milyong dolyares na box office sa buong daigdig. This summer, bumalik muli sa 3D edisyon si Tarzan at ang classic hits ng Coldplay na Paradise ang napiling theme song.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>