|
||||||||
|
||
Ngayong linggo, idinaraos dito sa Beijing ang pulong ng Asia Pacific Economic Cooperation 0 APEC na dinadaluhan ng mga lider na galing sa 26 bansa kasama ang Pilipinas. Sa simula, walang malaking pag-uugnay ang pulong na ito sa mga karaniwang tao na tulad ko. Sa katunayan, hindi ako interesado sa exchange of words ng mga heads of state. Pero, pagkaraang ipatalastas na para mapahupa ang traffic jam, ipinatupad sa mga kompanya at tanggapang pampamahalaan ng Beijing ang isang linggo na bakasyon sa mga empleyado. Dahil dito tuwang tuwa kami. Sa saliw ng isang kantang "Chick Chick", ipahahayag naming nandito sa Beijing ang kasiyahan sa pagdaraos ng APEC.
Pagkaraang mapakinggan ang kantang "Chick Chick" na kaloob ni Wang Rong na taga mainland ng Tsina, pupunta tayo sa Britanya at E.U.. Sapul nang ipablisize ng bandang Maroon 5 ang kanilang bagong ablum na V, magandang maganda ang resulta nito sa iba't ibang music charts. Samantala, bilang kinatawan ng Britanikong Rock&Roll Band, nananatiling No 1 ang Coldplay sa mga rock&roll fans at sila pa rin ang itinuturing na "Beatles sa ika-21 Siglo". Agree ba kayo sa comparison na ito?
Bilang isang beteranong Britanikong Rock and Roll Band, sapul nang pumasok sa sirkulong musikal noong taong 1999, naglabas na ang Coldplay ang maraming hits. At Maroon 5 naman ay natamo ang Grammy bilang Best New Artist noong taong 2005 at mukhang napakabata kumpara sa Coldplay. Sa katunayan, naitatag ang Maroon 5 noong taong 1994 at pero nadiskubre lang sila ng music company noong 2004 at matapos nito nagsimula na silang sumikat.
Pawang bilang winner ng Grammy Best Pop Duo/Group Performance, noong Hunyo, ipinalabas ng Coldplay ang kanilang ika-6 na studio album na "Ghost Story" at sa loob ng 10 araw, umakayat ang pangunahing kantang "Magic" sa first place sa halos lahat ng music charts sa iba't ibang sulok ng daigdig. Samantala, ang bagong ablum ng Maroon 5, sa unang linggo ng pagpalabas, naibenta ito ng 160 kopya na naging best selling album sa Billboard.
Baka, tulad ng inyong lingkod na si Sissi, inaasahan ng mga music fans na muling bibisita ang Maroon 5 ng Tsina o Asya at idaraos ang kosiyerto. Pero, ayon sa ulat na ipinalabas ng official website ng banda, sa lahat ng 35 konsiyerto na nakatakdang idaos sa taong 2014, magpepeform lang ang Maroon 5 sa Amerika at ilang bansang Europeo. At ayon naman sa ulat na ipinalabas ng official website ng Coldplay, sa taong 2014, idaraos nila ang halos 80 kosiyerto sa buong daigdig na kinabibilangan ng HongKong at Singapore.
Bilang isang mabisang paraang komersyal, madalas na mag-kolabrasyon ang mga super stars. Kapag ang mga sikat ay naging partners tiyak na malaki ang magiging hit ito. At hanggang sa kasalukuyan, mga artista na nakipagcolloborate minsan sa Maroon 5 ay kinabibilangan nina Rihana at Christina Aquilera. Pero, bukod ng pakikipag-collobrate sa naturang big names, sa MTV launch ng kanilang bagong kantang "Magic", inanyayahan pa nila si Jane Zhang, kilalang actress na Tsino bilang leading actress sa kanilang video.
Pagkatapos, tsimis tayo, alam ba ninyo na gustong-gusto ng leading vocalist ng Coldplay na si Chris Martin ang mga winner ng Oscar Best Actress, bukod ng kanyang ex-wife na si Gwyneth Paltrow at ex-girl friend na si Jenifer Lawrence, nananatiling maganda ang relasyon niya sa mga sikat na actress na ito. Samantala, mahilig na mahilig naman si Adam Levin, lead vocals ng Maroon 5 sa mga supermodels at pagkaraang magkarelasyon sa tatlong supermodel ng Victoria's Secret, noong Hulyo, ikinasal siya sa supermodel na si Behati Prinsloo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |