Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-38 2014

(GMT+08:00) 2015-01-09 22:22:07       CRI

Sa simula ng programa ngayong gabi, medyo malungkot ang atomospera, kasi, unti-unting nalalagas ang nalalabing mga araw ng 2014. At kumakaway na tayo sa papalapit na pagdating ng brand new year na 2015. Sa mga oras na ito, anong ginagawa ninyo? nagsho-shoping, nagsasalu-salo, nagno noche buena o nakasakay sa jeepney pauwi? Bawat katapusan ng Disyembre, ramdam na ramdam ang kasiyahan dahil sa panahon ng kapaskuhan. At ang musika ay naging pinakamagandang paraan ng pagpapahayag ng kasiyahan ng mga mamamayan at magkakasunod na ipinalabas ng mga singer ang bagong kanta.

Bilang kinatawan ng bagong henerasyon ng babaeng singer, sa kalalabas na listahan ng nominasyon ng ika-58 Grammy, sa tulong ng kanyang album na "My Everything", ininominate si Ariana Grande sa category na Best Pop Music Album at ipinalabas kamakailan ni Ariana ang isang yuletide song na "Santa Tell Me".

Noong isang taon, naging popular na popular si Idina Menzel dahil sa pagkanta niya ng Let It Go sa soundtrack ng pelikulang "Frozen." At this Christmas, pinili niyang makipagcollaborate kay Micheal Buble para gawin ang heartwarming song for the yuletide season. Si Michael Buble ay isang specialist sa ganitong mga festive songs at siya ay galing sa Canada. Tinalo minsan ng kanyang Christmas Album si Adele at naging Best Selling album.

Dako tayo sa Amerika naman, bagama't busing-busi sa family life nitong ilang taong nakalipas, kapag dumating ang kapasukuhan at bagong taon, maririnig natin ang mainit na boses ni Kelly Clarkson, sa music video ng kanyang bagong yuletide song na Wrapped in Red. Marami tayong napapanood na mga video clip ng pagdiriwang ng kapaskuhan ng mga karaniwang pamilyang Amerikano, makikita ang mga daddy na nagdadamit bilang Santa Clause, at ang tawa ng mga bata habang binubuksan ang ang aginaldo, the feeling is so warm and so sweet.

Noong taong 1984, sa mungkahi ni Phil Collins, magkasamang inawit ng ilampung singer na Britaniko ang kantang "Do They Know Its Christmas" para sa isang charity work. At ngayong taon, sa ika-30 anibersaryo ng kantang ito, pinagtipon-tipon ang mga bagong henerasyon ng singer na Britaniko tulad nina Sam Smith, Ed Sheran, One Direction at muling kinanta ang kantang ito at inabuloy ang lahat ng kita sa mga grupong nangangailangan ng tulong.

Pagkaraang mapakinggan ang mga singer na Amerikano at Europeo, bumalik tayo sa Asya at unang una, punta tayo sa Timog Korea, isang tradisyon doon ay ang pag-organisa ng lahat ng singer nila at pagkanta ng kantang pangkapistahan. Halimbawa, this Christmas, ang music company ng grupong Crayon Pop ay nagpalabas ng Love Christmas na pinagtipon-tipon ang Kryon Pop, Bob Girl, The King Match at iba pang singer na naglalarawan ng maganda at purong pag-alaala ng mga lalaki at babae sa malamig na tag-lamig.

Last but not least, gustong ibahagi ang ang kantang Merry X'mas na inihahatid ng grupong Mr Honey na galing sa Beijing. Ang lahat ng miyembro ay isinilang sa Beijing at lumaki sa kalunsudan, mahilig na mahilig sila sa kasaganan at kalayaan ng Broadway.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>