|
||||||||
|
||
Sumayaw ng balse ang prinsipe at prinsesa Oh super romatiko! Sinuong ang panganib at iniligtas ng hero ang magandang babae mula sa panganib, oh quite moving! At sa bandang huli, masaya ang pamumuhay ng prinsipe at prinsesa… fairytale ending indeed. Bagama't medyo pareho ang mga takbo ng mga kwento ng Disney animated film, mula noong 1920s hanggang ngayon, ang nasabing mga prinsipe at prinsesa ay naging napakaimportanteng imahe na kinagigiliwan ng bawat bata. At ngayong gabi, welkam po kayong samahan ako – walang iba kundi si Sissi at balik-tanawin natin ang mga classic na musika ng Disney aminated films.
Pagkaraang ipalabas ang 3D edition ng Cinderella noong ika-13 ng Marso, nakatawag ito ng malaking pansin mula sa buong daigdig, bukod sa perpektong pagpapakita ng classic na plot at scenery sa cartoon film, sa tulong ng pag-awit ng ending music na "Strong", matagumpay na nakilala ng publiko si Sonna Rele. Napaka talented ni Sonna Rele at umawit siya minsan sa konsiyerto ni John Legend bilang guest artist, pero, bagong ang Cinderella, nananatiling nameless ang nasabing ordinary looking girl na galing sa London. Sa isang banda, siya ay Cinderella sa totoong buhay.
Bukod sa Cinderella, ang "Sleeping Beauty" ay isa ding popular na popular na cartoon na nananatiling buhay sa puso ng mga bata at matatanda. Noong isang taon, nang ipalabas ang pelikuang "Maleficent" na hango sa istoryang Sleeping Beauty, inanyayahan ng producers si Lana De Ray na awitin ang soundtrack na "Once Upon A Dream". Ang medyong malungkot na istilo ng pag-awit ni Lana De Ray, kasama ng magical scenery ng pelikula, ay naging bagong harmony.
Noong taong 2012, ipinalabas ang bagong 3D edition ng pelikulang "Alice in Wonderland" na ginampanan nina Mia Wasikowska, Johnny Depp, Anne Hathaway at iba pang super stars. Inanyayahan ng film company si Avril Lavin na naghahanda ng kanyang ika-4 na album. At sa music video ng kantang "Alice" na inawit ni Avril, mapapanood ninyo ang halos lahat ng exciting moments ng pelikula.
Bukod ng mga classic na cartoon characters, bawat taon, nililikha ng Disney ang bagong prinsipe at prinsesa. At ang pinakahuli at pinakamatagumapay ay si Queen Elisa ng "Frozen". Ang musika nito ay nakatamo ng lahat ng pagkilala na puwedeng makuha ng isang aminated film. Noong isang taon, ang soundtrack na "Let It Go" ay maging No 1 Best Selling Album sa Amerika sa taong 2014 at natamo ang best compilation soundtrack sa katatapos na ika-57 Grammy.
Dahil sobrang popular ng kantang "Let It Go", hindi pinansin ng mga music fans ang iba pang musika ng pelikula. Actually, sa loob ng 100 minuto na pelikula, bukod sa pagkanta ni Queen Elisa, halos lahat ng leading role ay umawit nang ilang sekundo at lumampas sa 20 ang bilang ng lahat ng musika sa pelikula.
Tulad ng "Frozen", ang isa pang animated film na nakakuha ng malaking pansin mula sa Grammy ay ang soundtrack ng pelikulang "Beauty and the Beast" na inilabas noong taong 1992. Sa pag-awit ng soundtrack ng pelikula na "Beauty and Beast", natamo nina Celine Dion at Peabo Bryson ang kanilang kauna-unahang gintong ponograph mula sa Grammy sa tanang buhay nila. At ayon sa pinakahuling balita, sina Emma Watson, Dan Stevens ang gaganap sa bagong 3D editon ng "Beauty and the Beast", at ito ay eagerly awaited ng mga fans.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |