|
||||||||
|
||
Dahil sa sobrang maraming negatibong balita, dalawang taong nakalipas, pinilit na lumisan ng sirkulong musikal si Justin Bieber at noong ika-28 ng Agosto, bumalik si Bieber at ipinalabas ang kanyang bagong kantang "What Do U Mean", sa loob ng 5 minuto lamang, umakyat ang kantang ito sa first place ng iTunes, na naging pinakamabilis nitong 10 taong nakalipas. Siguro, ito ang resulta ng magkakasamang pagsisikap ng lahat ng fans ni Justin. Nagpahayag sila ng kanilang suporta at tiniyak na magtatagumpay ang kanilang idolo.
Ayon sa di-kumpletong estadistika, nagtagumpay na ang nasabing single ni Justin sa music chart ng 86 bansa. At sa katatapos ng VMAs, nakapagbigay din siya ng isang comeback performance. This time, walang exaggerated na kasuotan, black hat, black T-shirt, black trousers at black shoes, mataimtim na nagperform si Bieber at pagkatapos ng pagkanta, umiyak siya, sa hirap ng pinagdaanan para muling makakanta sa stage at maramdaman ang init ng pagmamahal ng mga fans at kapwa performer.
Ang naririnig ninyo ang kantang "Nothing But Trouble", theme song ng documentary film na "808" na magkasamang inihatid nina Charlie Puth at Lil Wayne, pagkaraang kantahin ang soundtrack ng pelikulang "Fast and Furious 7" na "See U Again", Ayon sa mga fans, kapag tumutugtog ng piano, napakanoble at graceful ni Charlie, parang isang prinsipe. Pero, kung mapapanood ang music video ng kantang "Nothing But Trouble", puwedeng palang maging cool and sexy ni Charlie, guwapo na guwapo.
Kung banggitin ang pagpapatugtog ng piano, mayroon isa pa guwapo na kuya. Noong nakaraang episode, nabanggit kong ika-4 beses nang lumabas sa cover ng magazine na Vanity Fair si Jane Zhang, nananatiling malaki ang impluwensiya niya sa Hollywood at sa katatapos na linggo, lumabas siya sa bagong music video ng kanyang fiancé na si Wang Feng. Sa video, tumutugtog si Wang Feng ng piano at ginagampanan ni Jane Zhang ang isang babae na nawawala ang kanyang love, nananatiling naghahanap at naglakad-lakad sa mga dating memories.
Pagkaraang matagumpay na anyayahan ang mga big names na kinabibilangan nina Julia Roberts, John Legend, Justin Timberlake at iba pa bilang guest performer, pinalawak ni Tylor Swift ang kanyang talenta sa aspekto ng palakasan. Sa kanyang bagong konsiyerto sa Staples Center ng Los Angles, puwedeng dumalo at umakyat sa stage ang isa sa mga pinakadakilang player ng NBA na si Kobe Bryant. Ang Staples Center ay home court ng Los Angles Laker kung saan kasama si Kobe at dinala naman ni Kobe ang isa pang good news para kay Tylor, siya ang winner ng Most Sold Out Performance ng Staples Center, magkakasunod na idinaos ni Tylor ang 16 konsiyerto doon at sold-out ang lahat ng tiket.
Big winner si Tylor Swift, dinala naman niya ang magandang suwerte sa mga taong nasa paligid. Sa kalalabas ng listahan ng Forbes sa kategoryang richest DJ sa buong daigdig, sa pamamagitan ng 390 milyong dolyares, naging first place ang boyfriend ni Taylor na si Calvin Harries. At ang kilalang si DJ David Kutan ay nasa ika-2 place, ang kabuuang kita niya sa buong 2014 ay mga 220 milyong dolyares. At si Tiesto, na may 210 milyon, ay naging ika-3.
Sa tulong ng "Fight of the Century", sina Mayweather at Manny Pacquiao ay walang duda naging first place at second place ng 2015 highest paid superstars, pero, can you guess, kung sino ang may pinakamalaking kita sa music circle? No, no, no, hindi si Taylor, kundi ang pinakamalaking rivalry niya sa music at personal life na si Katy Perry. Noong 2014 hanggang unang kalahati ng taong 2015, Idinaos na ni Katy ang 124 konsiyerto na kinabibilangan ng 75 na bansang dayuhan, at ayon sa estadistika, umabot sa 135 milyong dolyares ang kita ni Katy sa taong 2014.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |