Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-34 2015

(GMT+08:00) 2015-09-25 21:31:24       CRI
Ang bawat bansa ay may iba't ibang istandard para sa platinum record sales. At kasunod ng pagkakaroon ng resesyon sa record industry, bumaba nang bumaba ang numerong ito. Halimbawa, sa Amerika, ang stardard para sa platinum record sales ay 1 milyon at sa UK, 300 libo, sa HongKong at Taiwan, 30 libo at sa Philippines, kung makabenta ng 15 libo, gagawaran ng platinum award ang isang album. Pero, there are always miracles, nitong 10 taong nakalipas, mayroon anim na records na nakabenta ang 3 milyong kopya sa pamilihang Amerikano. At ang mga miracle makers ay apat na babaeng singer.

Sa lahat ng 6 na album na nakabenta ng mahigit 3 milyon, ang tatlo ay galing sa dating country music singer at kasalukuyang pop music princess na si Taylor Swift. Noong 2010, sa bisperas ng kanyang iks 21 kaarawan, ipinalabas ni Taylor ang kanyang ika-3 studio album na "Speak Now", at sa unang linggo ng pagsasapubliko, lumampas sa 1 milyon ang pagbebenta nito na umakyat sa first place ng Billboard Top 200 at hanggang sa kasalukuyan, 5 taong nakalipas, umabot na sa 5.8 milyong kopya ang kabuuang benta ng nasabing album sa buong daigdig.

Pagkaraan ng dalawang taon, inilabas ni Taylor Swift ang kanyang ika-4 na studio album na "Red" at sa loob lang ng isang araw, lumampas sa 500 libong kopya ang naibenta at makaraan ang isang linggo, umabot sa 1.2 milyon ang numerong ito. At bilang isang milestone ng music life ni Taylor na nagbago mula country music sa pop music, ibayo pang malaki ang pagbebenta ng pinakahuling album niya na "1989" kumpara sa "Red". Sa loob ng isang linggo lamang, umabot sa halos 1.3 milyon ang pagbebenta at hanggang sa kasalukuyan, lumampas na sa 8 milyong kopya ang benta nito sa buong daigdig.

Bilang nananatiling rival ni Taylor, kapansin-pansin naman ang kakayahan ni Katy Perry. Noong 2011, ipinalabas ng 26 na taong gulang na si Katy Perry ang kanyang ika-2 studio album na "Teenage Dream", bagama't nakabenta ng 158 libong kopya lamang sa unang linggo pagkaraang isapubliko, limang kanta sa album na ito ay umakyat sa first place ng Billboard Hot 100 at naging tanging singer na may limang winning singles mula sa isang album sa kasaysayan ng Billboard. Hanggang sa kasalukuyan, sa Amerika, nakabenta ang album na ito ng 3 milyon at sa buong daigdig, lumampas ng 7 milyong kopya.

Kung ikukumpara ang bilang ng pagbebenta ng isang album lamang, ang resulta na natamo ni Adele ay mas malaki kaysa lahat ng benta nina Taylor Swift at Katy Perry. Noong 2012, ipinalabas ng 21 taong gulang na si Adele ang kanyang ika-2 studio album na "21" at agarang matunghayan ang mainit na pagtanggap sa buong daidig at naging winner ng halos lahat ng music awards sa iba't ibang bansa. Ang album na "21" ay nanatili sa first place ng Billboard Top 200 nang 24 linggo na naging isang bagong record sa kasaysayan, hanggang sa kasalukuyan, nakabenta ang album na ito ng 10 milyon sa Amerika at lumampas sa 30 milyong kopya sa buong daigdig.

Ang last singer, ay medyo matanda at walang fashionable appearance, pero, siya ay isang patunay sa miracle ng music industry. Siya si Susan Boyle na sinopresa ang buong daigdig sa programang Britain's Got Talent. Mula 2009 hanggang sa kasalukuyan, ipinalabas ng 50 year old na singer ang tatlong album at lumampas sa 24 milyong kopya ang kabuuang bilang ng pagbebenta ng mga ito sa buong daigdig.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-32 2015 2015-09-12 16:48:21
v Pop China Ika-31 2015 2015-09-05 18:23:14
v Pop China Ika-30 2015 2015-08-28 21:09:34
v Pop China Ika-29 2015 2015-08-21 20:26:03
v Pop China Ika-28 2015 2015-08-14 17:20:44
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>