Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-45 2015

(GMT+08:00) 2015-12-25 19:36:20       CRI

Pagkaraan ng tatlong taong pagpapahinga, at matapos magkaroon ng isang napakacute na anak na lalaki, noong katapusan ng Oktubre, pormal na bumalik si Adele kasama ng kanyang ika-3 ng album na pinamagatang "25". sabi ng ilang observers noong unang kumanta siya ng carrier song na "Hello" sa 2015 European Music Awards, sobrang enjoy ang mga artista sa loob ng istadium at can't help crying. At ayon sa pinakahuling estadistika, matapos ang isang linggo lamang, nakabenta ang album na "25" ng mahigit 3.8 milyong kopya. Ano ang ibig sabihin ng numerong 25, sa programa ngayong gabi, kasama ng mga bagong kanta ni Adele, aanalisahin ko ito para sayo.

Noong Oktubre, nag-iwan si Adele ng isang short mensahe na "25 out November 20th" sa mga social media, agarang naging hot topic ito sa Internet, na nakatanggap ng 500 libong likes at 30 libong komento sa Facebook at Instagram, tapos, lumitaw ang promotion video ng album sa pinakapopular na talent show na UK-The X Factor, 30 segundo lamang, nararamdaman ng mga fans ang production level at pang-akit ng boses ni Adele. Kaya, bagama't hindi pa ipinapalabas ang album, nakatawag ito ng malaking expectation mula sa publiko.

Bago ang ika-3 na album ni Adele, ang ablum sa kasaysayan na nakabenta ng pinakamarami sa isang linggo ay galing sa nag-disband na boy group na 'N Sync, ayon sa estadistika ng Nielsen, umabot sa 2.42 milyon ang pagbebenta ng kanilang ablum na "No Strings Attached" at nitong 15 taong nakalipas, walang singer na nakahigit sa record na ito, hanggang this year, kahit walang anumang sistematikong promosyon, isang linggo lamang, nakabenta ang album na "25" ng mahigit 3.38 milyong kopya.

Bukod dito, noong pormal na ipalabas ang bagong album ni Adele, agarang umakyat ito sa first place ng Top 100 best selling album sa Billboard. At sa ika-2 place ang bagong album ni Justin Bieber na "Purpose", nakabenta ito ng mahigit 180 libo sa loob ng isang linggo. At ayon sa Nielsen, kung dagdagan ang bilang ng pagbebenta ng iba pang best selling album mula ika-2 place hanggang ika-100 place, ang lahat ng mga ito ay nakabenta ng 1.48 milyon lamang na mas mas maliit kumpara sa "25".

Noong isang taon, sa tulong ng kanyang kauna-unahang pop music album, si Taylor Swift ay naging pinakamalaking winner sa halos lahat ng music awards sa loob at labas ng Amerika, particular na iginigiit niyang ini-off-shelf ang lahat ng kanyang music sa streamming media at mga music website o ibig sabihin, kung gusto ninyong mapakinggan ang kanyang album, kailangang bumili kayo ng CD sa tradisyonal na music store. Sa pamamagitan ng hakbanging ito, nakabenta ang bagong album ni Taylor na 1989 ng mahigit 1.78 milyon na naging best selling album para sa taong 2014 at unang kalahati ng taong 2015. Samantala, nakabenta ng mahigit 3.38 milyon si Adele sa loob isang linggo.

Hindi pa tapos ang pagsalaysay ko tungkol sa tagumpay ni Adele, sa kasalukuyan, popular na popular ang digital album niya, pero, lumikha ng isang miracle ang bagong album ni Adele, sa lahat ng 3.38 milyong kopyang pagbebenta, umabot sa 1.71 milyon ang pagbebenta ng CD na naging isang pangunahing driving force ng recording industry. By the way, dahil sa pagpalabas ng album na "25" muling naging popular ang kanyang dating album na "21" na naging ika-9 sa Top 100 best selling album ng Billboard.

Noong ika-27 ng Nobyembre, sa pamamagitan ng isang video clip, ipinatalastas ni Adele na sisimulan ang kanyang bagong concert tour sa UK, Pransya, Alemanya at ibang bansang Europeo. Actually, medyo nasorpresa ako nang mapakinggan ko ang balitang ito, kasi, noong 2011, sa kanyang music tour ng album na "21", naapektuhan siya ng grabeng throat problems, kaya kailangang kanselin ni Adele ang 16 performances, this time, baka, totoong gumaling na ang throat ni Adele at umaasa din akong mapanood ang kanyang performance sa Tsina sa malapit na hinaharap.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>