Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Una 2016

(GMT+08:00) 2016-01-08 18:31:37       CRI

Noong isang linggo, habang abalang abala ang mga Chinese sa pagpigil ng haze at busy na busy ang mga Filipino sa pagdiriwang ng kapaskuhan, sa North America, excited na excited ang mga fans na bumili ng tiket para sa premiere ng Star Wars 7: The Force Awakens. Ayon sa mass media, isang linggo lamang ang lumipas, umabot sa mahigit 100 milyong dolyares ang kita sa box office ng bagong serye ng Star Wars at di na pinansin ang ibang mga pelikulang ipinalalabas na kasabay tulad ng Avengers 2: Age of Ultron at Jurassic World.

Alam ba ninyo na, popular na popular ang Star Wars 7 at noong unang ipinalabas ito nitong Dec 18 sa Amerika, idinaos ni Pangulong Barack Obama ang isang preskon na nakapagbigay ng isang conclusion sa lahat ng kanyang gawain para sa taong 2015, bago umaky sa platform, pinatugtog ng mga R2-D2 robot ang soundtrack ng Star Wars at sa pagtatapos ng preskon, sa halip ng pagsagot ng mga tanong, sinabi ni Obama na"sorry, mauuna ako, at kailangang mapanood ko ang Star Wars."

Kasunod ng pag-papalabas ng Star Wars 7 sa North America at pagtaas ng box office at gusto kong ipaalala sa inyong kung napanood na ninyo ang pelikula, shocking ba ang twist ng story? Sa Pilipinas napanodd na ang movie pero dito sa Tsina maghihintay pa kami hanggang sa january 9 para mapanood ang seventh installment ng Star Wars franchise. So don't tell me ok? No spoilers please !!!!

May isang insidente pala mga friends hinggil sa paglalabas ng spoiler, mayroon isang lalaki, dahil isiniwalat ang plot ng Star Wars 7 sa Facebook natanggap niya ang death threat mula sa isang kaibigan, para mapangalagaan ang nasabing lalaki, dumating ang pulis sa paaralan niya at naaresto ang kanyang kaibigan.

Tapos, tsismis naman tayo, noong 1977, unang lumabas siHarrison Ford ng kauna-unahang Star Wars movie, siya ay 35 taong gulang at bilang isang freshman,ang payment niya ay 10 libong dolyares lamang.Pero, pagkaraan nito, si Harrison Ford ay naging isa sa mga male artist na may pinakamataas na talent fee dala ng mataas na box office sales ng pelikula. 38 taong nakalipas, sa bagong Star Wars, bagama't siya ay isang supporting role lamang, umabot sa mahigit 25 milyong dolyares ang payment niya at dahil nasugatan siya sa proseso ng pagshu-shoot, natamo niya ang karagdagang $1,500,000 na compensation.

Tapos, tatalakayin natin ang pera na gusto-gusto ng lahat ng tao. Sa kalalabas ng listahan ng 2015 Most Worthy Actors at Actress, nakasali si Chris Evans na gumanap ng Captain America.Ayon sa estadistika, lumampas sa 1 bilyong dolyares ang box office ng dalawang Captain America Series,at umabot naman sa mahigit 1.5 bilyong dolyares ang box office ng isa pa niyang pelikulang "Marvel's The Avengers", kung mamuhunan ng 1 dolyares kay Chris Evans, puwedeng matamo ang 181.8 dolyares na return of investment, ito ay mas malaki kaysa winner ng taong 2014 na si Emma Stone, ang balik puhunan kita kay Emma ay 1is to 62.

Bukod kay Chris Evans, sa Top 10 Most Worthy Actors at Actresses, makikita natin ang mas maraming pangalan ng female artist, kabilang dito, salamat sa 50 milyong dolyares na box office sales ng pelikulang"Ted" at 100 milyong dolyares na box office ng pelikulang "Mars Ascend", naging ika-2 most worthy actress si Mila Kunis. Samantala, ang balik puhunan kay Scarlett Johansson ay 1is to 84.9, at para naman kay Vin Diesel ay 1is to 40.3.

Tapos, tingan natin ang isang couple na mahusay na mahusaysa money making. Noong 2013, nag-retire ang 40 taong gulang na si David Beckham, bagama't hindi na naglalaro sa football field, hindi huminto ang iba't ibang sponsorship na tinanggap niya tulad ng H&M, Adidas at pagkaraang mag-disband ang Spice Girls, naging ibayo pang masagana ang fashion career niVictoria Beckham, ipinalabas niya ang sariling clothing brand at ayon sa mass media, sa 2015, umabot sa halos 66 milyong pounds ang kita nilang dalawa o ibig sabihin, kumita sila ng 100 libong USD bawat araw.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>