|
||||||||
|
||
Isang linggo lamang, naibenta ito ng mahigit 3.8 milyon na kopya sa buong daigdig at isang buwang makaraan, ayon sa pinakahuling estadistika, lumampas sa mahigit 7 milyong kopya ang benta ng album na "25".
Sa unang dinig ng mga kanta ni Adele, iisiping ang mga ito ay galing sa isang babaeng singer na may edad na 30 taong gulang pataas. Actually, noong unang ipinalabas ang kanyang album, 19 taong gulang lamang si Adele, pero, sa kanyang album, hindi lamang mapakinggan ninyo ang kumplikadong musical arrangement, lyrics na may madilim at malalim na katuturan, kundi ang mahusay na singing skills at napakamalikhaing isipan.
Noong unang pumasok sa showbiz, sa lahat ng babaeng singer na kasabay na naglabas ng album, hindi namumukod si Adele, at ayon sa mass media, ang kanyang unang album na "19" ay parang isang dairy ni Adele na inirekord ang lahat ng damdamin niya sa panahaon ng kabataan-love, happiness, hatred, and sadness. Pero, nakarelate dito ang maraming batang fans at tunay na nasakyan ang mga pinagdaanan ng singer.
Sa edad na 20 taong gulang lamang, nakuha ni Adele ang Best New Artist at Best Female Artist sa Grammy na inaasam ng maraming superstars.
Pagkaraan ng 2 taong paghahanda, sa taong 2011, kapag paulit-ulit na inaawit ng mga fans ang kanyang "Chasing the Pavement", carrier song ng unang album, sinalubong ni Adele ang isa pang tugatog ng kanyang music career. Lumampas sa 45 milyong kopya ang pagbebenta ng ika-2 album niyang "21" at nagtagumpay siya sa lahat ng nominations niya sa 2012 Grammy. Napakalaki ng popularidad ng kanyang mga kantang tulad ng "Rolling In the Deep" "Someone Like You" kumpara sa mga first class na superstars.
Kumpara sa love story noong 19 na taong gulang, naging ibayo pang malakas ang damdaming ipinahayag ni Adele sa album na "21" at kumalat ang isang Adele syndrome sa buong daigdig na tuwing mapapakinggan ang kantang Someone Like You, carrier song ng album na 21, automatikong lumilitaw ang isang picture sa inyong isip, naglalakad-lakad ang isang medyo payat na babae sa walang tao na kalye at naghahanap ng isang tao katulad ng ex-boyfriend.
Pero, sa kanyang bagong album na 25, ayon sa isang poll, pagkaraang mapakinggan ang ika-3 album ni Adele, umabot sa 64% ng mga babae ay naging open-minded at tumawag sa kanilang ex-boyfriend para maibigay ang forgiveness.
Sinabi ni Adele, ang tema ng album na "25" ay caring, tolerance, forgiveness at "letting it go", mag bye bye sa dating sugat at mag bye bye sa nagdaang sarili. In other words, nag mature na si Adele at gustong patnubayan ang mga fans na iwan ang sadness at salubungin ang bagong pamumuhay.
Siguro, nakatawag ng pagbatikos naman ang nasabing album at ayon sa music critics na medyo conservative ang musical arrangement at walang anumang malikhaing elemento. Sa katunayan, sinabi minsan ni Adele na gustong ipalabas niya ang isang album na nagpapakita ng kanyang masayang pamumuhay pagkaraang mag-asawa at magka-anak, pero, isinaalang-alang ang pamilihan, kaya ito ay kailangang itakwil niya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |