Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-3 2016

(GMT+08:00) 2016-01-29 18:28:43       CRI
Noong ika-10 ng Enero, yumao ang lengendary rocker na si David Bowie sa Manhattan, New York ng Amerika. Ayon sa official Twitter at Facebook account ni David, pagkaraan ng pakikibaka sa cancer nang 18 buwan, mapayapa siyang sumakabilang buhay habang sinasamahan ng mga kapamilya. Dalawang araw bago siya yumao, kapapublisize lang niya ng bagong album na "Black Star", pero, no one knew, ito ang final gift niya sa mga fans.

Baka para sa nakararaming batang isinilang pagkaraan ng 1990s, hindi pamilyar ang pangalan niya, pero, bilang tapapagpa-uso ng glam rock, nanghari ang kanyang mga hit songs sa mga radioset sa buong daigdig noong 1970s. S Britanya o Amerika, si David Bowie ay isa sa mga music masters na kapantay ng Beatles at Queen. Sa 100 pinakadakilang mamamayang Britaniko na pinili ng BBC, si David ay nasa ika-29. Bagama't hindi nag-perform ni minsan sa stage ng Grammy, siya ay winner ng Lifetime Achievement Award noong taong 2006.

Napakalaki ng impluwensiya ni David Bowie sa buong daigdig. Noong yumao siya, espesyal na nagpahayag ang Ministrong Panlabas ng Almenya ng pasasalamat kay David sa tulong na ibinigay niya sa pagpapabagsak ng Berlin Wall. Noong 1970s, habang nakatira si David sa Berlin, magkakasunod na inilabas ni David ang "Low" "Hero" at "Lodge", talong pinakapopular na album niya at idinaos pa niya ang isang konsiyerto sa harap ng Berlin Wall para manawagan sa pag-aalis ng Berlin Wall at dalawang taong nakalipas, sa pagsisikap ng iba't ibang panig, natupad ang reunipikasyon ang Alemanya.

Actually, bilang isang kabataan na isinilang sa 1980s, mayroon dalawang bagay ang naaalala ko na may kinalaman kay David Bowie. Una, magic color ng kanyang mata, sabi nila noong 14 taong gulang siya, dahil sa isang babae, nakipag away si David sa best friend niya na si George at nasugatan ni George ang isang mata ni David, mula sa panahong iyon, walang reaksyon ang isang mata ni David sa liwanag at pinalitan naman ang kulay ng mata na naging dark gold. Sa panahong di pa uso ang contact lens, ito ay naging walang katulad na tatak ni David.

Ang ikalawang impresyon ko kay David Bowie ay… bilang isang halos 70 taong gulang na lolo, sa lahat ng litrato niya, makikita ninyo ang magandang mukha kasama ng napakafashionable na kasuotan, kahit tumatanda at lumitaw ang wrinkles, namumukod pa rin ang pagiging dashing ni David Bowie. From the very beginning, laging iginigiit ni David ang sariling nagtatangi at bagong performing suit, kahit 40 taong nakalipas, nananatiling inspired sa kanyang fashion sense ang mga designer.

Bukod ng pagkanta, ginampanan pa ni David Bowie ang sari saring roles sa 28 pelikula na kinabibilangan ng napaka-controversial na pelikulang "The Last Temptation of Christ" na nananatiling ipinagbabawal sa ilang bansang Europeo dahil sa paglabag sa holy scriptures. Mahilig na mahilig si David sa stage play at espesyal na pinag-aralan ito minsan sa art school. Malikhaing pinaghalo niya ang stage play, fashion, art at musika at nalikha ang glam rock.

Si David Bowie ay isa sa mga super star na maagang kinilala ang kanyang sexual orientation, bisexual siya at ikinasal nang dalawang beses, mayroon isang anak na lalaki at isang anak na babae. Kabilang dito, naimpluwensiyahan ng pagmamahal ni David sa stage play ang anak. Kaya naging isang matagumpay na director ang kanyang anak na lalaki na si Duncan Jones. Ayon sa mass media, nagkakahalaga ng 200 milyong USD ang copyright ng mga musika, at mga real estate na iniwan ni David, at iniwan niya ang lahat ng mga ari-arian sa kanyang dalawang asawa at dalawang anak.

Sabi ng mga fans, tulad ni Elvis Presley, bumalik sa kanyang planeta si David Bowie at ang kanyang final album na "Black Star" ay isang signal na ipinadala sa kanyang motherland. Ok, safe trip po, David Bowie.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>