|
||||||||
|
||
Sa listahan ng nominado na ipinalabas noong isang buwan, ang pinakamalaking matunog ang pangalan ng kilalang rapper na si Kendrick Lamar.Natamo niya ang 11 nominasyong kinabibilangan ng Album of Year at Song of Year. Napakalaki din ng potensiyal ni Taylor Swift, puwede niyang makuha ang di-kukulangin sa 6 trophies sa lahat ng 7 awards nominated siya. Kaya, according to some industry insiders, ang Grammy ay naging Gramift. Ok, actually, ang lahat ng mga ito ay hindi pokus ng ating programa ngayong gabi kundi ang ilang kawili-wiling estadistika na may kinalaman sa Grammy.
Ang Grammy Music Awards, Billboard Music Awards, American Music Awards at Rock and Roll Hall of Fame ay apat pinakamalaking music awards sa Amerika. Noong unang idinaos ito noong 1958, mayroon 28 awards lamang at sa taong 2008 at 2009, umabot ito sa tugatog na may 111 awards. Sa kasalukuyan, iginawad na nito ang 4037 awards. Bilang katumbas ng Oscars sa music industry, ang awarding ceremony nito bawat taon ay nakatawag ng malaking pansin mula sa music fans sa buong daigdig at hanggang sa kasalukuyan, umabot sa mahigit 2.5 milyon ang bilang ng mga followers sa official Twitter account nito, kabilang dito, 57% ay babae.
Ang pagbabago ng awards ng Grammy ay isang kasaysayang pangkaunlaran ng buong music circle. Sa 28 award na itinakda ng unang Grammy, makikita natin ang genre ng classical, jazz, folk, blues, children, comedy, reading at iba pa. Pagkaraan nito, unti-unti nadagdagan at nagbago ang istilo ng musika sa paglipas ng panahon. Hanggang sa kasalukuyan, kabilang sa categories ang jazz, R&B, folk, classical, rock and roll, metal, pop, rap, reggae, alternative, gospel at iba pa.
May mga intriga ding kinaharap ang Grammy Awards. Dahil tutol sa commercialization ng Grammy at kontra sa paglulunsad ng Gulf War, tinanggihan ni Sinead O'Connor mula sa Ireland ang Best Alternative Music Performance noong taong 1991 at siya ang tanging tao na tinanggihan ang Grammy.
Hanggang sa kasalukuyan, mayroon 15 artistang tumanggap ng nominasyon nang mahigit na 40 beses. Kabilang dito, ang music master, kilalang producer at songwriter na si Quincy Jones na nagtamo ng pinakamaraming nominasyon na umabot sa 79 beses. Sa ika-2 puwesto, makikita ang pangalan ng isa sa mga pinakamatagumpay na conductor na si Sir Georg Solti na natamo ang 74 beses. Bagama't yumao na si Sir Georg Solti noong taong 1997, siya ang may hawak ng rekord bilang taong may pinakamaraming Grammy awards napanalunan at umabot sa bilang na 31. Sa mga pop artist, pinakamataas ang resulta ng U2, Steve Wonder at John Williams na nagtagumpay nang 22 beses.
Alam nyo ba na umabot na sa 4,037 gintong ponograpo na iginawad ng Grammy? Mayroon isang award na tinatawag na Best Spoken Word Album at mayroon tatlong presidenteng Amerikano ang nagtamo ng nasabing award na kinabibilangan nina Bill Clinton, Jimmy Carter at Barack Obama. At hinggil dito, nakita ko ang isang napaka-kawili-wiling pangyayari, bagong maging asawa ng presidente, si Hillary Clinton ay winner ng Best Spoken Word Album noong 1996.
Last but not least, sa 58 taong kasaysayan ng Grammy, mayroon pitong artistang Tsino ay nagtamo ng nominasyon at 3 sa kanila ay naging winner. Sa tulong ng pagiging popular ang pelikulang Crouching Tiger, Hidden Dragon, si Tan Dun mula sa mainland Tsina ay nagtamo ng Best Score or Soundtrack Album For a Motion Picture Television or Other Visual Media Award. Ikalawa ang rocker na si Wu Tong na galing sa mainland Tsina, dahil sa kanyang pagkanta sa album ni Yoyo Ma, natamo ang Best Crossover Classic Album Award. At ikatlo, ang kilalang Cellist na si Yoyo Ma na galing sa Taiwan ng Tsina ay nakakuha ng 17 grammy awards sa kategorya ng classic music.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |