Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-6 2016

(GMT+08:00) 2016-02-19 18:26:34       CRI

Gong Xi Fa Cai at Happy Year of Monkey. Super happy akong makapiling kayo sa espesyal na programa ng Pop China sa pagpasok ng Year of the Monkey. Last week nagustuhan ba ninyo ang mga pinakapopular na original Chinese Pop Music sa taong 2015 na pinili ko? Sana sa saliw ng mga melody na masarap na pakinggan, sa episode natin today, ang kalahating oras ay magiging masayang episode para sa ating mga music lovers.

Heto ang top hits sa half part ng 2015 sa mainland:

Pagpasok ng Hulyo, dito sa Tsina nagsimula ang bakasyon ng mga estudyante ng kanilang summer vacation. Sa panahong ito, nauso ang mga OST o soundtrack mula sa mga TV drama at pelikula. Kabilang dito, gusto kong irecommend ang "Annual Rin" na ibinibigay ni Wang Sulong. Kumpara sa ibang singers, sikat na sikat si Wang sa mga junior high students at to some degree, pwedeng sabihing siya ang kinatawan ng hilig ng mga kabataan.

Pagpasok ng Agosto, muling umakyat sa first place ang bagong kantang Big Dreamer na kaloob ng grupong TF Boys, bilang pinakapopular na boygroup sa mainland Tsina, sumasaklaw ang kanilang fans mula ilang taong na bata hanggang ilangpung taon na lolo at lola. Ako din ay big fan nila.

Pagkaraang luminsan sa No.1 K-Pop Idol Group na Super Junior at bumalik sa Tsina, nanatiling abalang-abala si Han Gen sa pagtatatag ng sariling studio, pamumuhunan sa pelikula, pagshu-shot ng commercial, in other words, siya ay naging isang matagumpay na businessman. Samantala, nabawasan ang mga aktibidad niya bilang isang singer. Pero, bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng pagpasok sa showbiz, noong Setyembre, ipinalabas niya ang bagong album at ang naririnig ninyo ang carrier song nito na pinamagatang "I Don't Give a Xie".

Long time no hear Eason Chan, bilang pinakapopular na lalaking singer sa sirkulong musikal ng Tsina, bawat taon, kahit hindi ipalabas ang bagong kanta, sa tulong ng music tour at commercial, puwedeng kumita ng napakalaking pera si Eason. At kung inaanyayahan si Eason na kumanta ng soundtrack, pwedeng sabihing garantisado na ang box office success ng isang pelikula tulad ng naririnig ninyo- kantang Sleep Alone, ito ang soundtrack ng pelikulang A Journey, through Time, with You o Les Adventure d'Anthony (SAY: LE ADVENTYUR DI ANTONI)

Noong ika-13 ng Nobyembre, sinimulang ipalabas sa sinehan ang bagong 007 film na "Spectre" sa mainland Tsina, bukod sa mga maluhong race cars at magagandang Bond girls, Naging interesting ang soundtrack dahil sa kantang gawa ni Sam Smith. Para mas makilala ang pelikulang ito, ipinalabas ng production company ang isa pang edition na kinanta ng Chinese singer na si Jane Zhang.

Pagkaraan ng limang beses na pagbabago ng lead vocals, bumalik ang bandang Black Leopard noong katapusan ng taong 2015, sapul nang itatag noong taong 1987, sila ang watawat ng Chinese Rock & Roll music, at sa tugatog, sabay-sabay na ipalabas ang album sa Taiwan, HongKong, mainland ng Tsina at Hapon at idinaos ang 33 konsiyerto sa buong Asya.

Sa ating nalalabing oras sa episode na ito tampok ang espesyal na programa para sa 2016 Chinese Lunar New Year, gusto kong isalaysay ang isang TV series pati ang OST nito. Iyan ang pinakapopular na WebDrama na "Go Princess Go" na talagang sinubaybayan bago magtapos ang 2015. Heto ang kwento:.

Isang playboy ang nag time travel sa sinaunang panahanon pero sa katauhan ni Princess Zhang Peng Peng. Ang Princess ay may marital problems sa kanyang asawa na si Prince Qi Sheng. Gamit ang katawan at alindog ng isang babae at ang isipan ng isang playboy at tusong lalaki, plinano ni Princess Zhang Peng Peng ang pagpatay sa asawa at paggiging Empress Dowager. Magtagumpay kaya siya? Watch the WebDrama!

Napakafunny ng buong story at masarap pakinggan ang mga kanta sa OST nito. Time to say bye bye but I leave you guys with a song from Go Princess Go titled "Could Not Say".

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>