Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-7 2016

(GMT+08:00) 2016-02-26 21:08:07       CRI
Matagumpay na naidaos nitong ika-15 ng Pebrero, local time, sa Staples Center, Los Angeles ng Amerika ang Grammys. At sa kauna-unahang live broadcast sa kasaysayan ng Grammy, ipinagpatuloy ni Taylor Swift ang kanyang good luck at winning streak at na natamo ang pinakamalaking prize na Album of the Year. Kendrick Lamar naman ay nakatanggap ng mataas na papuri sa mga music critics at nakuha ang 11 nominasyon, naging winner ng apat na awards sa Hiphop genre. Lumikha ito ng ingay at nakatawag ng bagong round ng talakayang may kinaman sa racial discrimination.

Kahit nagbago ng music style, hindi pa rin nagbago ang kagustuhan ng Grammy kay Taylor. At dahil sa insidente ng pang-agaw ng eksena at microphone, naging masalimuot ang relasyon sa pagitan nina Taylor Swift at Kanye West, paulit-ulit na nag-aaway sila sa social media at paulit-ulit na nagkasundo naman sa iba't ibang interview, award ceremony at iba panng okasyon. isinulat din ni Kanye West ang isang kantang nagsabing sumikat si Taylor Swift dahil sa kanya. At kaugnay nito, sa kanyang acceptance speech ng Album of Year, sinabi ni Taylor na "There are going to be people out there who will try to undercut your success or take credit for your accomplishments or your fame".

Bago itaas ang trophy ng Song of the Year at Best Pop Solo performance sa katatapos na award night, lumahok sa Grammy nang ilang beses na si Ed Sheeran bilang "good sister" ni Taylor Swift. Ilang taong nakalipas, kadadating lang ni Ed sa Amerika, pagkaraang mapanood ang performance niya, agarang ni-like ni Taylor Swift si Ed sa Facebook. Sa iba't ibang okasyon, malakas na pinasulong si Ed ang kanyang mga musika. Mula sa panahong iyon, naging "good friends" sila, parang magkapatid silang dalawa. Magkasamang pumupunta sa amusement park, magkasamang nagsusulat ng kanta at magkasamang nagtatravel. Nang matamo ang prize, mas masaya pa si Taylor kumpara kay Ed.

Bukod kina Taylor Swift at Ed Sheeran, nakapag-bigay ng isang espesyal na performance si Adele sa awards night ng 2016 Grammys. Dahil sa malaking tagumpay ng bagong album na 25, mataas ang expectations ng mga music fans sa performance ni Adele, pero, sa gabing ito, out of tune at nagkaroon ng sound issues ang kanyang performance ng bagong kanta niya na "All I Ask." At bagama't ipinaliwanag ni Adele sa Facebook na "ito ay dahil nahulog ang mic sa loob ng piano at lumikha ng ingay." Ayon sa kanyang interview sa show ni Ellen de Generas day after ng Grammys, talagang iniyakan niya ito at naramdaman ang sobrang kahihiyan.

Noong 2015, magkakasunod na yumao ang maraming music-greats tulad nina David Bowie, tagapagsimula ng Glam Rock, Glenn Frey, dating guitarist ng The Engle's, B.B King, King of Blues at iba pa. At sa katatapos na 2016 Grammys, ang segment na nagbigay-galang sa mga malalaking pangalang ito ay nakatawag na malaking pansin, partikular na, sa tulong ng makabagong teknolohiya ng Intel at 3 D projection technique, muling ipinakita ni Lady Gaga ang classic look pati ang mga classic hits ni David Bowie mula noong 1970s hanggang 2010s. Syempre lahat ng ito digital effects at talagang hi-tech.

Bukod kay Lady Gaga, napakaexciting naman ang performance na kaloob ni Kendrick Lamar sa 2016 Grammys, 11 nominasyon niya, pero, 4 ang natamong prize. Umakyat si Kendrick sa stage parang isang bilanggo na may handcuffs at Shackles, at sa tulong ng kantang "The Blacker The Berry","Alright"at "Untitle", gamit ang bullet rap, mahigpit na binatikos ni Kendrick ang sistema ng pagpili ng Grammy.

Ito ang isyu ng racial discrimination ng Grammy, sapul nang itatag ang music awards noong 1959, hanggang sa kasalukuyan, nananatili ang problema ito. Kahit na sobrang matagumpay ang isang artist tulad ni Jay-Z, lumampas sa 60 ang nominasyong kinuha niya sa Grammy, pero ni minsan hindi pa niya natatanggap ang anumang award. Sa mula't mula pa'y, gustong-gusto ng judges ng Grammy ang middle aged, white folk singer.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>