Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-8 2016

(GMT+08:00) 2016-03-04 18:27:04       CRI

Idinaos noong ika-25 ng buwang ito sa Millennium Dome ng London ang 2016 British Music Awards o BRIT Awards. Actually, kung walang naganap na mga mistakes, ang Grammy ay walang dudang pinakaimpluwensiyal at pinakaexciting na music awards sa buong daigdig. Pero, dahil sa nangyaring pagka out of tune ni Adele, pangsamantalang pag-urong ni Rihanna at iba pang artists sa pagperform, nakakahinayang at ngayong taon masasabing mas bongga at exciting ang BRIT Awards.

Matapos ang kanilang big show sa 2016 Super Bowl halftime, bumalik sa home country para makapag ibigay ng opening performance sa 2016 BRIT Awards ang Coldplay. Naging ibayo pang relaks at malaya ang bandang Coldplay, inilaan naman ng tagapag-organisa ang malaking budget para sa pinakamagaling na stage effect, sa huling bahagi ng kanilang pagkanta ng "Hymn for the Weekend", biglang umulan ng petals sa loob ng Millennium Dome, na matinding tinilian ng mga audience sa loob at labas ng venue.

Sa tulong ng kantang Where Are U Now collaboration ni Justine Bieber kina Skrillex at Diplo, natamo ni Justin Bieber ang kanyang kauna-unahang Grammy trophy sa kategoryang Best Dance Recording. Tapos, sa 2016 BRITS, muling nakatanggap siya ng pagkilala bilang winner ng'International Male Solo Artist'.

Walang sexy dancer, at inalis ang masalimuot na music arrangement, sinamahan lang ng isang bonfire at guitar na tinugtog ni James Bay, kinanta ni Bieber ang kanyang hottest hits na《Love Yourself》at《Sorry》at lubos na naipakita ang kanyang de-kalidad na boses.

Pagkaraan ng tatlong taong paghihintay, sa bandang huli, pormal na bumalik sa music circle ang super model, fashion queen na si Rihanna at sapul nang ipalabas ang titulo ng kanyang ika-8 studio album na pinamagatang Anti, nananatiling umaasa ang mga fans para marinig ang kanilang idol. Noong isang linggo, dahil sa throat problem, kailangang umurong sa ika-58 Grammy si Rihanna, at this week, pagkaraan ng isang linggo na pagpapahinga, finally, sa stage ng BRIT Awards, naipakita ni Rihanna ang dahilan kung bakit siya tinawag na Queen of Dance at R&B music.

Siguro, ang pinakamalaking winner sa gabing ito ay walang iba kundi si Adele, nakuha niya ang apat na awards na kinabibilangan ng British Female, Best British Single, Album of the Year at "BRITs Global Success" , inanyayahan pa ng tagapag-organisa ang astronaut na Britaniko na nakatalaga sa international space station sa kalawakan, at masyadong excited si Adele na umiyak hanggang humulas ang lahat ng kanyang make-up.

Tapos, kinanta ni Adele ang "When We Were Young" na perpekto at nag-alis sa lahat ng bad memories ng pagkasintunado sa Grammy at natamo ang halos 20 segundong palakpak mula sa mga audience.

Bukod ng nasabing mga exciting performance, ang pinaka-moving moments sa 2016 BRITs ayng yugto ng pagbibigay-galang kay David Bowie. Pagkaraang magkakasunod na bumigkas ng talumpati sina Annie Lennox at Gary Oldman, mga best friend ni David Bowie, kinanta ni Lorde ang classic hits ni David na "Life On Mars." Ayon kay Lorde, noong nasa bottom ng kanyang buhay, sumulat minsan si David Bowie sa kanya at sinabing may cancer ako, kaya, bumalik ang aking cheekbones. Nakuha pang magbiro tunay na dahilan nito ay sobrang pagbaba ng timbang dala ng cancer. Napakaoptimistiko at encouraging sa kabila ng malubhang karamdaman.

Tapos, nakatakdang idaos sa Dolby Theatre, Los Angles, Amerika, ang Ika-88 Academy Awards o Oscar Awards sa ika-28 ng buwang ito (local time). Ang pinakamalaking attraction ng Ika-88 Oscar Awards ay kung makukuha ba sa wakas ni Leo Dicaprio ang kanyang kauna-unahang Oscar. Alam nating 6 na beses na siyang na-inominate nitong 20 taong nakalipas, subalit, hindi pa siya nakakatanggap ng Oscar. Samakalawa, tingan natin kung makukuha ni Leo ang sweet success o uuwi nanaman siyang bigo at luhaan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>