|
||||||||
|
||
Noong ika-28 ng Marso, ipinagdiwang ni Lady Gaga ang kanyang ika-30 kaarawan at sa kanyang birthday party na idinaos sa Los Angles, dumating sina Taylor Swift, Rana Del Ray, Kate Hudson at iba pang big names. Kasama ang kanyang guwapong fiancé na si Taylor Kinney, nakasuot si Lady Gaga ng isang gintong kasuotang may elemento ng Terno na parang isang powerful queen. Belated Happy Birthday at sa programa ngayong gabi, sa saliw ng kanyang mga classic hits, titingnan natin ang pagbabago ni Lady Gaga mula isang fashion diva hanggang maging music master.
Sabi nila ang ika-88 Oscar ay naging milestone ng dalawang super stars, isa, si Leonardo Di Caprio, pagkaraang ma nominate nang siyam na beses, sa bandang huli, natamo niya ang pagkilala ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences. At ang ika-2 ay si Lady Gaga, completely nag change siya - nawala ang dating vulgarity at exaggeration, at naging isang opinion leader. Bagama't natalo kay Sam Smith sa kategoryang Best Origal Song, habang tumutugtog ng piano at kumakanta ng "Till It Happens to You" isang kantang nanawagan sa mga mamamayan na pag-ukulan ng pansin sa campus violence, tunay na kuminang siya bilang isang bitwin sa mundo ng entertainment.
Ang totoong pangalan ni Lady Gaga ay Stefanie Angelina Germanotta, isinilang sa isang mayamang business oriented family. Apat na taong gulang sinimulan niyang mag-aral ng piano, 13 taong gulang sinulat ang kauna-unahang music, 19 taong gulang, di niya tinapos ang pag-aaral sa University of New York at piniling kumanta ng sariling music sa Pub. No surprise, naging contract artist siya sa isang music company, pero, whats surprising is, sobrang mabilis at malaki ang kanyang tagumpay, ipinalabas ang sampung kanta, 9 dito ay pumasok sa Top 10 ng Billboard at anim sa kanila ay naging wining singles.
Bakit popular na popular si Lady Gaga? Magkakaiba ang palagay ng publiko, ayon sa ilang media, si Lady Gaga ay isang professional na news maker, pero, sa palagay ni Gaga, siya ay isang performance artist (?) halimbawa, nang tanungin kung ano ang kanyang inspirasyon - ipininta niya ang dugo sa mukha at nagpanggap na bangkay. Sinabi ni Gaga na dahil gustong gusto ng publiko ang taong matagumpay at mayroong everything, sa isang banda nagiging pantay ang lahat kapag humantong na sa kabilang buhay.
Noong taong 2011, bagama't ang kantang "Born This Way" ni Lady Gaga ay naging ika-1000 winning single ng Billboard, ang pinakamagandang resulta ng ibang kanta sa kanyang bagong album ay ika-4 na puwesto lamang. Nananatiling maigting ang pagiging magka ribal nina Lady Gaga at Katty Perry, pero sa tulong ng napaka-controversial na performance ni Miley Cryus sa 2013 MTV music awards, biglang naging laman ng front page ng lahat ng music magazine at naging una sa mga website si Miley at naging pinakapopular na idol ng mga kabataang Amerikano- kinaharap ni Lady Gaga ang malaking hamon.
Ang taong 2014 ay isa pang milestone ni Lady Gaga, nakipagcollaborate siya kay Tony Bennett at ipinalabas ang kanyang kauna-unahang jazz album na Cheek to Cheek. Ito ay parang isang lindol sa kanyang music career na sumasagisag na itinakwil niya tatak niya bilang fashion diva, sa halip ng heavy make-up at pagkanta ng mga dance music, madalas na lumitaw siya sa iba't ibang okasyon, kumanta ng mga classic music at muling itinatag ang kanyang imahe bilang isang purong singer. At ang pagbabago niya ay matagumay na muling nakatawag ng pansin mula sa publiko.
Sa kasalukuyan, bukod sa pagkanta, mayroon ibang title si Lady Gaga ito ay bilang Philanthropist at Best Supporting Actress. Bagama't nabawasan ang mga headline at medyo lumiit ang popularidad, mag-perform siya sa Grammy at nagbigay-galang kay David Bowie. Inawit din niya ang pambansang awit ng Amerika sa Super Bowl. Nagpaalam sa crazy wild image, siya ay tumatahak ngayon sa landas patungo sa Hall of Fame bilang isang tunay at iginagalang na artist.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |