Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Prince Rogers Nelson

(GMT+08:00) 2016-07-25 12:42:12       CRI

Noong ika-23 ng Mayo, idinaos ang 2016 Billboard Music Awards. May 19 na nominasyon at natamo ang 8 awards, ang Weeknd ay pinakamalaking winner sa gabing ito, samantala, si Justin Beiber ay walang sorpresang winner ng Best Male Artist at ang Best Singer Award ay napunta kay Adele. Pero, sa tingin ko, ang pinaka-exciting moment ng 2016 Billboard ay hindi ang pole dance ni Britney Spears o ang wire dance ni Pink, kundi ang final show, ang kantang "Purple Rain", pinakasikat na song ni Prince na ihinandog ni Madonna bilang tribute.

Noong ika-21 ng Abril, biglang yumao ang iconic musician na si Prince Rogers Nelson sa bahay niya sa Minneapolis, Amerika. Sa buong career, nanalo si Prince ng 7 Grammy, 5 All American Music Award, 3 British Music Award, 3 NAACP Image at 4 na MTV music awards, naimpluwensyahan ng kanyang musika ang maraming super stars. Pawang isinilang sa taong 1958, sina Prince, Micheal Jackson at Madonna ay walang dudang mga music king o queen noong 1990s, pero, 20 taong lamang ang nakalipas, yumao na sina Micheal Jackson at Prince, tanging si Madonna na lamang ang natitirang icon of the 90s, sayang na sayang.

Sabi nila sina Prince at Michael Jackson ay born rivals, pawang isinilang noong 1958, pawang lumaki sa gitnang kanlurang Amerika, coincidentally parehong black. Maigting naman ang kanilang kompetisyon sa iba't ibang aspekto, itinatag ni Micheal Jackson ang Neverland, samantala, mayroon si Prince na Paisley Park, sa pamamagitan ng album na "Thriller", si Jackson ay naging King of Pop sa buong daigdig, samantala, sa tulong ng album na "Purple Rain", napabilang sa Hall of Fame si Prince.

Kung tatalakayin ang pagkakaiba ng dalawang superstars, si Michael Jackson ay isang Pop Star na nilikha ng music company, ang lahat ng kanyang kagawian at pananalita ay dapat isaayos batay sa kagustuhan ng mga fans at para kay Prince, medyo magkaiba ang situwasyon, tulad ni David Bowie, siya ay tila galing sa ibang planeta, kaya hindi siya maunawaan ng maraming tao, bilang isang musician, isang artista, nananatiling iginigiit ni Prince ang tatlong prinsipyo.

Una, pioneering, gustong gusto ni Prince na i-mix ang lahat ng music style sa kanyang mga album. Matagumpay na pumasok sa Hall of Fame bilang isang rocker, samantala, tinanggap naman ng mainit ang kanyang R&B classic na . Kahit 60 taong gulang na, nananatiling pinag-aaralan niya ang iba't ibang music skill, bukod ng pagkanta, mahusay din siya sa pagkatha, pagpapatugtog ng mga music instrument at produksyon. Puwede niyang tgampanan ang lahat ng roles sa paggawa ng isang album ng mag-isa

Tapos, kasariwan. Madalas na sinabi ni Prince na ang pagpaulit sa nagdaan ay sumasagisag na kamatayan. Mula noong 1978, hanggang noong 2010, ini-release ni Prince ang 48 albums, at mapanatili niya ang mataas na output, every time, makikita ninyo ang bagong bagay sa kanyang mga album. Bukod sa kilalang album na "Purple Rain", maganda ang kalidad ng iba niyang album tulad ng "Sign o The Times" na nag-inspire sa mga fans pati ang ibang musician.

Last but not least, kalayaan. Noong taong 1993, dahil sa pagkakaiba nila ng music company sa paggawa ng album na "The Gold Experience", tuwing dumadalo sa okasyong publiko, sinulat niya ang salitang "Slave" sa mukha at espesyal na binago niya ang pangalan sa isang simbolo na hindi kayang basahin. Bagama't naapektahuhan ang kanyang kita , laging iminungkahi ni Prince sa mga bagong singer na huwag lagdaan ang kontrata sa mga music company para mapanatili ang pagsasarili ng musika.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>