Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Top 5 Stars na may pinakamaraming followers sa social media

(GMT+08:00) 2017-03-16 15:32:07       CRI

Alam ba ninyo kung anong bansang ang may pinakamaraming populasyon sa buong daigdig? Una, Tsina, umabot sa 1.36 bilyon ang kabuuang populasyon nito, tapos, ang Indya, 1.26 bilyon; tapos, ang Amerika, 320 milyon; ang Indonesia, 250 milyon; ang Brazil, 200 milyon; at ang Philippines, noong 2014, lumampas sa 100 milyon at patuloy na lumalaki ang dami ng mga tao dito. Kamakailan, mayroon isang foreign media na kinalkula ang kabuuang followers ng mga super star sa tatlong pinakamalaking social media na Facebook, Twitter at Instagram, at ipinalabas ang isang list ng limang star na may pinakamaraming followers. Tingnan natin kung sino sino sila.

Ok, ang ika-5 pwesto - ang superstar na may pinakamaraming fans ay si Rihanna. Ang kabuuang bilang ng mga followers niya sa Facebook, Twitter at Instagram ay lumampas sa 190 milyon. Sa stage, siya ay walang katulad na fashion queen, controversial na bad girl, pero, sa pamumuhay, siya ay isang kind hearted na sister-gustong gustong mag-interact sa mga fans na nag-iwan ng mensahe sa kanyang mga social media page.

Ang ika-4 na global star na may pinakamaraming fans ay si Selina Gomez. Lumampas sa 202 milyon ang kabuuang bilang ng mga followers sa mga social media. Tinawag na Queen of Instagram, ang followers ni Selina sa Instagram lamang ay umabot na sa halos 100 milyon at lumalaki pa on a daily basis. Hindi niya kailangan to say something, inipost lang niya ang isang litrato na umiinom ng Coca Cola, puwede na siyang kumita ng 500 libong US Dollars.

Kung si Selina ay Queen of Instagram, si Katy Perry naman ay walang dudang No.1 sa Twitter. Hawak niya ang rekord bilang tao na may pinakamaraming followers sa Twitter at Lumampas sa 219 milyon ang kabuuang bilang ng mga followers niya sa mga social media. Bukod dito, siya ay isang very devoted na Spokesperson ng Adidas. Noong Setyembre 17, dumalo siya ng konsiyerto ni Beyonce at pagkatapos ng activity, agarang inalis ni Katy Perry ang maluhong night gown at inipost ang isang litrato niya na nakasuot ng slipper at sports suit ng Adidas.

Ang ika-2 international star na may pinakamaraming followers sa mga social media ay isang football star at tanging lalaki sa listahan. Siya ay walang iba kundi si Cristiano Ronaldo, bilang kasalukuyang pinakasikat at pinakapopular na football star, sa tulong ng kanyang pambihirang playing skills, nakaakit siya ng maraming lalaking fans. Samantala, dahil sa kanyang guwapong mukha, perpektong body, mahuli niya ang puso ng mga babaeng fans. Partikular na, kamakailan, ini-endorse niya ang sariling underwear brand na CR-7, ang lahat ng social media account niya ay puno-puno ng half naked na litrato niya. OMG :)

Sino naman kaya ang nangunguna sa listahan ng superstar na may pinakamaraming followers sa mga social media, can you guess kung sino siya? Actually, the answer is so obvious-Taylor Swift. Ang kabuuang bilang ng mga followers niya sa Facebook, Twitter at Instagram ay lumampas sa 246 milyon na halos katumbas ng populasyon ng Indonesia. Kaya pala, ang lahat ng kagawian niya ay naging big news sa Internet. Lumampas naman sa 19 ang bilang ng mga ex boyfriend ni Taylor at parang mapapakinggan natin ang kanyang bagong kanta sa malapit na hinaharap.

Kung hinahanap niyo si Justin Bieber at nagtataka kayo kung bakit wala siya sa list… Bago inalis ni Bieber ang kanyang Insta account na may 77.8 milyong followers, tiyak na pumasok siya sa Top 5 star na may pinakamaraming followers sa social media, pero, dahil sa isang comment na may kinalaman sa kanyang bagong girlfriend ah no no no, bagong split kaya ex-girlfriend na si Sofia Richie, de activated na ang account ni Justin Bieber sa Instagram. Sayang na sayang hanggang ngayong araw, gusto-gusto ko ang kombinasyon nila ni Selina Gomez.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>