|
||||||||
|
||
Duet by these amazing artists, baka hard to imagine, tinapos ang pagrerekord nina Malik at Taylor sa magkahiwalay na sound studio sa New York at Los Angeles, pero, perpektong match for each other ang kanilang boses, partikular na para kay Malik, naipakita niya ang magkakaibang singing style at walang sorpresa, isang oras lamang pagkaraang ipalabas, umakyat ang kantang " I Don't Wanna Live Forever" sa first place ng Itunes at muling naipakita ang super taas na popularidad ni Taylor at Malik.
Noong Lunes o Diyembre 12, ipinalabas ng Grammy ang nomination list ng iba't ibang kategorya para sa taong 2017, dahil walang inilabas na bagong album, natural na natural na wala ang pangalan ni Taylor sa listahan. Pero, nananatiling maigting ang labanan. Sa taong 2016, naipalabas ang maraming magaling na album tulad ng "25" ni Adele na lumikha ng malaking record sales, at "What Do U Mean" ni Justin Beiber, pinakapopular na male singer sa mga younger generation, nadyan din ang
"Lemonade" ni Beyonce, "Views" ni Drake at "Anti" ni Rihanna.
Kung titingan ang listahan, si Beyonce ay walang dudang pinakamalaking winner hanggang sa kasalukuyan, kinuha niya ang siyam na nominasyon na kinabibilangan ng Song of Year, Album of Year, Best Music Video, Best Production at etc. Ang tema ng ika-6 na studio album ni Beyonce ay pangunahin na, pag-fall-in-love, pag-split, reunion at pagpapakasal. Bukod sa love and lost love, tinalakay pa ni Beyonce ang racial discrimination, gender equity at iba pang social problem sa kanyang music video na nakatawag ng malaking suporta mula sa mga fans at music critics.
Pagkaraan ng tatlong taong pagpapahinga, at matapos magkaroon ng isang napakacute na anak na lalaki, noong Oktubre ng 2015, pormal na bumalik si Adele kasama ng kanyang ika-3 ng album na pinamagatang "25". Sa kasalukuyang music circle na popular na popular ang digital album, at walang anumang sistematikong promosyon, lumikha siya ng isang miracle, sa loob ng isang linggo lamang, nakabenta ang album na "25" ng mahigit 3.38 milyong kopya.
Dahil sa sobrang maraming negatibong balita, dalawang taong nakalipas, pinilit na lumisan ng sirkulong musikal si Justin Bieber at noong Agosto ng 2015, bumalik si Bieber at ipinalabas ang kanyang bagong kantang "What Do U Mean", sa loob ng 5 minuto lamang, umakyat ito sa first place ng iTunes, na naging pinakamabilis nitong 10 taong nakalipas. At sa iba't ibang comeback performance, makikita nating naging napaka-conservative ni Bieber, walang exaggerated na kasuotan, mataimtim na nagperform, sinalubong ng Grammy ang pagbalik ni Bieber sa pamamagitan ng 6 na nominasyon.
Bagama't nagsplit na sina Drake at Rihanna at baka hindi na puwedeng mapanood ulit ang kolaborasyon nila matapos ang "Work", ang kasalukuyang taon ay totohanang year of harvest para sa kanila, pawang natamo nila ang 8 nominasyon sa Grammy. Ang bagong album na "Views" ni Drake ay nagtamo ang 1 bilyong download sa Itunes Store. samantala, bilang Queen of Singles, mayroon apat na kanta si Rihanna na umakyat sa first place ng Billboard Top 100.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |