Noong Disyembre 21, ipinalabas ng Rock and Roll Hall of Fame ang listahan ng mga finalist na makakasama sa Hall of Fame sa taong 2017. Ang kilalang babaeng folk song singer ng Amerika na si Joan Baez, ang rock&roll band na Pearl Jam, ang yumaong rapper na siTupac Shakur, ang bandang Yes, Jounery at Electric Light Orchestra o E.L.O. ay nagtamo ng natatanging honor. Bukod ng nasabing mga finalist, ang iba pang nominee ay kinabibilangan ng bandang Chic, Depeche Mode, Jane's Adiction, Kraftwerk, MC5 at si Janet Jackson.
Ang Rock and Roll Hall of Fame ay isang achievement award sa kategorya ng Rock & Roll sa mga bansang Europeo at North America. Ito ay para makapagbigay-galang sa mga pinakasikat, pinakaimpluwensiyal na artista, producer at ibang tao na nakaimpluwensiya sa music industy ng Rock & Roll. Isasa-alang-alang nito ang ambag ng mga nominee sa buong kasaysayan ng Rock & Roll, kaya, ang isang pinakaimportanteng pamantayan ay dapat lumampas sa 25 taon ang kanyang first album bago matamo ang nominasyon. At boboto ang 700 propesyonal na rockers sa buong daigdig para sa finalist. Kung matatamo ang higit kalahating boto, puwedeng pumasok sa Hall of Fame ang isang nominee.
Nitong ilang taong nakalipas, naging iba't iba ang palagay hinggil sa mga musician na pumasok sa Hall of Fame dahil hindi isang rocker ang ilang nominee tulad ng nasabing dalawang finalist ng taong 2017 na sina Tupac at Joan Baez. Si Tupac ay isang kinatawan ng West Coast rapper noong 1990s. Sa tulong ng passionate rap, habang inaawit ang kanyang sariling kuwento, umaasa siyang bigyang pag-asa ang mga black people sa buong daigdig. Si Tupac ay tinaguriang pinakamatagumpay na rapper at ang kanyang dalawang album at ay nakabenta ng 5 milyong kopya na naging isa sa mga pinakapopular na rap music album sa Amerika.
Ang ex-girlfriend ni Bob Dylan, ay winner ng maraming Grammy sa mga classic hit nito. Napakinggan din natin ang mga kantang nagtatampok sa social problems. Kinanta niya ang tungkol sa karaniwang tao, mga little story na may kinalaman sa buhay-buhay, dignity, good luck and bad luck. Umawit din siya para magprotesta sa Vietnam War, racial discrimination, prejudice sa homosexual. From this point, malalaman natin ang palagay ng mga judge ng Hall of Fame. Ang Rock and Roll ay hindi isang music style kundi isang mithiin. At sina Tupac at Joan ay magandang kinatawan ng rock and roll sprit.
Ang bandang Yes na itinatag noong 1968, ay isang kinatawan ng rock and roll genre noong 1970s. Bilang isang bandang na may mahusay na background knowledge ng classical music, ang kanilang music arrangement ay parang reference book ng music school. Ang lead vocalist na si Jon Anderson ay parang isang first class na opera singer. Bagama't hindi sobrang sikat sila dahil maraing mga supersuper stars sa panahong iyon, naimpluwensiyahan ng music nila ang maraming batang singer at band. Kinikilala minsan ng 5 Dimension ang bandang Yes bilang kanilang forever idol at teacher.
Tulad ng Yes, ang Electric Light Orchestra ay nagsisikap para ipakita ang rock and roll music sa pamamagitan ng mga classical music instrument. Kaya, ang kanilang music ay puno-puno ng maraming tunog ng orchestra at choirs, mula noong 1970s hanggang 1980s, lumika sila ng sampung popular na kanta na pumasok sa Top 40 na best selling single. Kabilang dito, baka pamilyar kayo sa kanilang"Shine A Little Love "γ"Don`t Bring Me Down "γ"Hold On Tight" at soundtrack ng pelikulang Xanadu na "I`m Alive"γat "All Over The World".
Ang bandang Journey ay isa sa pinakamatagumpay na banda sa kasaysayan ng Amerika na naglabas ng maraming records. Noong 1980s, ang kanilang album na "Escape" ay nanatili sa Top 100 Best Selling Album nang mahigit isang taon at ang tatlong kanta sa album ay umakyat sa first place ng Billboard Top 100. Ang kanilang payment ay pinakamataas sa lahat ng singers at bands, noong magbukas ang MTV music channel, paulit-ulit na pinatugtog ang kanilang mga kanta para makaakit ng audience.