|
||||||||
|
||
Welkam sa unang espisode ng Pop China sa bagong year of 2017. Wish you a prosperous new year at mayroong maraming love, health at money.
Pagpasok ng unang linggo ng taong 2017, ipinalabas kamakailan ng MD Charts ang best selling album ng mga artistang babae sa buong daigdig para sa 2016 at sa nasabing listahan, bukod ng mga super star na Amerikano at Europeo, nakita natin ang Asyano na parang isang miracle, mayroon isang old album na inilabas nang halos anim na taon na ang nakararaan ang nakabenta pa rin ng mahigit 80 libong kopya sa taong 2016. Ok, pagkaraang mapakinggan ang bagong kantang "Star Boy", kasalukuyang Billboard topping single na handog ng The Weeknd, silipin natin ang sampung best selling album ng buong daigdig sa taong 2016.
Si Utada Hikaru ay walang dudang Pop music queen ng Hapon, noong 1999, ang kanyang unang ablum "First Love" ay nakabenta minsan ng 7.65 milyong kopya na naging best selling ablum ng Hapon at buong Asya at pagkaraang lumisan ng music circle ng 6 taon para sa magpakasal at magkaanak, noong 2016, ipinalabas ni Hikaru ang ika-6 album na "Fantôme", sa kasalukuyang pamilihang musikal ng Hapon, popular na popular ang pagbebenta ng album at ibinigay ang extra gift tulad ng fan meeting tiket, Eco bag, posters at iba pa, pero,kahit walang nasabing mga gift, nakabenta pa rin ng 630 libong kopya ang album ni Hiraku na naging ika-10 Best Selling Album ng mga artistang babae sa buong daigdig sa taong 2016.
Tapos, sa ika-9 puwesto, nakita natin ang pangalan ni Lady Gaga kasama ng kanyang kalalabas na bagong album "Joanne", sapul nang ipalabas ang album na ito noong Oktubre, lumampas na sa 700 libong kopya ang pagbebenta. At kinupirma na magpeperform si Gaga sa Super Bowl sa darating na Pebero 5, which means, ibayo pang tataas ang record sales niya bago at pagkaraan ng Super Bowl.
Sa ika-8 at ika-7 puwesto, ay dalawang old pero napaka-popular na album. Ito ang unang pop album ni Taylor Swift na "1989" na ipinalabas noong 2015 at ang album na "21" na ipinalabas ni Adele noong taong 2011. magkahiwalay na nakabenta ang mga ito ng 782 libo at 802 libong kopya. At noong 2015, pagkaraang yumao ang asawa niya, ipinalabas ni Céline Deion ang isang memorial album na "Encore un soir" o "One More Night". Ang mga kanta ay inawit sa wikang Pranses, maganda ang pagbebenta nito sa loob at labas ng French speaking countries na nakabenta ng 804 libong kopya.
Kung susumahin ang takbo ng career ni Ariana Grende nitong ilang taong nakalipas at sa taong 2016, sinalubong ng nasabing sweetheart ang big harvest sa kanyang music life. Ang kanyang bagong album titled "Dangerous Woman" ay nakabenta ng 1 milyong kopya at tinalo rin niya sina Justin Biber, Drake, Beyonce, Sia at ibang big names at napiling Artist of Year sa American Music Awards. Gayon pa man para kay Sia, masarap pakinggan ang lahat ng kanta sa kanyang ika-7 album "This is acting" at hanggang sa kasalukuyan, naibenta na nito ang 14 milyong kopya.
Mula ika-3 hanggang first place ng Best Selling Female Album of 2016 worldwide ay tatlong pinakamaimpluwensyang babae sa music circle ng Amerika at Europa at pawang ipinalabas nila ang bagong album sa taong 2016. That is, ang album na "Anti" na ibinigay ni Rihanna na nakabenta ng 1.4 milyong kopya. Ang album na "Lemonade" ni Beyonce na naibenta ng 26 milyong kopya at ang album "25" ni Adele na nakabenta ng 4.4 milyong kopya, kung lalampas ito sa rekord na nilikha ng kanyang dating album na "21", let's wait and see.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |