Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pinananabikang Singers sa 2017

(GMT+08:00) 2017-03-16 15:44:47       CRI

Sa katatapos na taong 2016, tuwang-tuwa ang mga music fans dahil sa mga bagong album na ibinigay nina Beyoncé, Lady Gaga, Rihanna, Drake, Bruno Mars, The Weeknd at iba pa. Ang kanilang mga kanta ay hindi lamang magpasigla ng iba't ibang music charts kundi lumikha rin ng mataas na sales. Pagpasok ng taong 2017, posibleng babalik sa music circle ang ilang super stars at ngayong gabi, tingnan natin ang mga pinaka anticipated na album, sa taong ito. Sino sino ang bet ninyo?

Unang una, The XX, ang independent music grupo na mula UK ay nagpalabas ng kanilang ika-3 album na , ang kanilang unang album ay ginawaran ng Mercury Award, sila ay kasalukuyang pinakapopular na band sa Britain. Sa kanilang bagong album, meron silang mga awesome melodies na sinaliwan pa ng cool na cool na electronic rock. Tapos, pagkaraan ng isang taong pagpapahinga, isinapubliko kamakailan ni Ed Sheeran ang dalawang bagong single na at , agarang umakyat ang mga ito sa music chart ng maraming bansa at sa loob lang ng 48 oras, lumikha ng bagong rekord ng pagpapatugtog ng mahigit 25 milyong beses na click rate.

Pagkaraang makuha ang Best OST sa Oscars, parang tumahimik si Sam Smith nang mahabang panahon, at ang guess ng publiko na naghahanda siya sa bagong album, bagama't hanggang sa kasalukuyan, walang anumang good news sa facebook o Instagram. Tatlong taong wala siyang inilabas na bagong album, kaya, malaki ang posibilidad na maglabas siya ng bagong album sa taong ito. Samantala, ayon sa balita ng music company, sa darating na Hunyo, may pag-asang ilalabas ang ika-6 album ng Maroon 5. Hindi ko alam kung kaya nitong pantayan ang success na natamo ng kantang Sugar, pero, malay niyo dahil kaka-upgrade lang at naging isang tatay ang nananatiling sexy na si Adam Levine.

Pagkaraang ipalabas ang single na sa panahon ng Rio Olympics, parang abalang-abalang si Katy Perry sa love affair niya sa Elf prince na si Orlando Bloom, pero, nagsplit silang dalawa kamakailan, at nanawagan ang mga music fans kay Perry na come back and make music.

Bagama't di na active ang Black Eyed Peas, patuloy pa rin si Fergie sa kanyang music career, noong 2016, inalabas niya ang 3 single at ayon sa music company, sa darating na Pebrero, magbibigay siya ng mas malaking sorpresa sa fans.

Kung mabanggit ang mga pinaanticipated na album this year, tiyak na papasok sa listahan ang talented singer na galing sa New Zealand na si Lorde. Noong taong 2013, dahil sa kantang Royals, matagumpay na nakatawag siya ng pansin mula sa buong daigdig at natamo ang Song of Year Award sa Grammys. At ayon sa ulat, mula noong katapusan ng taong 2016, sinimulan ni Lorde ang paggawa sa second album at pwede din ba nating asahan ang tour? Let's see.

Ayon sa tradisyon, tuwing magbreak-up sa boyfriend, gumagawa ng kanta si Taylor Swift. Kung totoo pa rin ito, ang bagong album niya kaya ay inspired ng kanyang nagdaang relationship? Sa taong 2016, tinapos niya ang dalawang world famous na relation sa dalawang most charming men sa buong daigdig, nananatiling inaasahan ng mga music fans ang bagong kanta ni Taylor, pero, parang hindi wala pa sa plano ni Taylor ang magbahagi ng bagong kanta. Hula ng media na baka iniisip pa ni Taylor ang bagong ideya para lampasan ang rekord na nilikha ng kayang unang Pop alum na 1989.

Noong isang tag-init, umakyat sa first place ang single ni Justin Timberlake na Can't Stop the Feeling, sa tulong ng kantang ito, muling lumikha siya ng maraming bagong rekord bilang best selling single sa Amerika at buong daigdig. This month, siya ay naging music producer ng pelikulang Book of Love na ginagampanan ng kanyang asawa na si Jessica Biel, and soon maririnig natin ang fruits of his hard labor kapag lumabas na ang soundtrack ng pelikula. Sa taong 2017, kung muling gagawa ng panibagong milestone sa kanyang career si Justin, let's wait and see.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>