|
||||||||
|
||
Happy Happy Chinese Lunar New Year at wish you a prosperous year of the rooster. Sa katatapos na 7 araw na national vacation dito sa Tsina, hindi ako lumabas dahil punong-puno ng tao ang halos lahat ng lugar at may pagkakataon akong mag balik-tanaw at napakinggan ang Top 100 Best Singles11 ng 2016 billboard .
Si Robin Skouteris ay propesyonal na DJ at independent musician na galing sa London, ang kanyang pinakasikat na music ay remix ng mga hottest hits sa loob ng isang partikular na taon, and this year, sinubok niya na in-mix ang buong Billboard Top 100 at oras na para suriin ang inyong tenga, how many of them ang napakinggan ninyo?
Well enough, bilang isang DJ ng pop music program, halos napakinggan ko ang lahat ng singles, and this week, gusto kong irecomend ang isang music chart o isang list ng mga best love song ng 2016 sa aking puso, hindi ako awtoridad and its all based sa sariling feeling at emotion inside, actually, personal ang kagustuhan ng isang tao sa mga bagay at music, di ba? Sana magustuhan din ninyo ang aking pili.
Ang unang love song na irerecomend ko ngayong gabi ay kantang "I Hate You" na ibinigay ni Olivia O'Brien. Particular na iyong solo edition na inaalis ang mga rap. Napakatouching ng lyrics nito. "I hate you I love you, don't want to, but I can't put nobody else above you. you want her, you need her but I will never be her."
Ang ika-2 best love song sa aking puso noong taong 2016 ay mula kay Adele. Iyong kantang "When We Were Young", bagama't nilikha ng album na "25" ang sunod sunod na bagong record sa kasalukuyang panahon ng streaming media, dapat kilalanin natin, pagkaraang manganak, naging ibayo pang mainit at tolerant si Adele. Hindi penetrating at di profound ang mga kanta ni Adele at baka hindi lalampas ang epekto ng kanyang bagong album sa kanyang nagdaang album na "21". Pero, ang kantang "When We Were Young", sa tingin ko, ay napanatili ang lebel ng kanyang peak time.
Sa darating na Lunes, o Pebero 6, magpeperform si Lady Gaga sa Super Bowl Halftime Show, hindi ko alam kung kakantahin niya ang kantang "Million Reasons" . Noong Oktubre, ipinalabas ang bagong album na "Joanne", 2 buwan lamang ang lumampas nasa 700 libong kopya na ang pagbebenta.
Pagkaraang dalawang taon na magpahinga dahil sa mga negtibong balita, sa taong 2016, sinalubong ni Justin Biber ang isang tugatog sa music career, sa 2016 Billbord Top 100, sinakop ng mga kanta ni Justin ang first place at second place. At ang kantang "Love Yourself", pagkaraan ng epesyal na music arrangement ni Ed Sheran, naging napaka kakaiba kumpara sa dating music style ni Biber.
Last but not least, ang ika-5 best love song sa aking puso ng taong 2016 ay "We Don't Talk Anymore" na kinanta nina Charlie Puth at Selina Gomez. Kung napanood ninyo ang music video nito, baka maunawaan ninyo bakit sira na sira ang puso ng mga music fans, dahil muling ipakita ang lahat ng (???? sentence incomplete)
OK, kung isang list ng best love song na magtatampok kina Taylor Swift, Coldplay o James Bay, is it Ok for you? actually, mayroon ibang napakagandang love song sa aking puso at puwedeng ibahagi natin sa future. Siguro, kung sa inyong puso, may ibang love song na paulit-ulit na pinatugtog araw at gabi, puwedeng ninyong ibahagi sa akin sa pamamagitan ng pagbisita sa aming Facebook page na CRI Filipino-Service.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |