Kahapon, lubos na ikinalungkot at sumakit ang puso ng milyon milyong music fans dala ng isang balita. Nag commit ng suicide si Chester Bennington, lead vocals ng sikat na sikat na alternative rock band na Linkin Park sa kanyang bahay sa California. Ayon sa mga pulis, natanggap nila ang tawag noong alas-9 ng umaga ng Hulyo 20 at agarang pumunta sa isang bahay sa Palos Verdes Estates, nang dumating ang mga pulis, hindi na humihinga si Chester. Kinumpira ang pagyao ng bokalista ng isa pang miyembro ng banda. Ayon sa plano, sa araw na ito, makukuha ng Linkin Park ang bagong promotion photo. Kalalabas lang nila ng bagong music video ng kantang Talking To Myself, nang araw ring iyon, nakita ang
bangkay ni Chester sa Los Angles.
Sayang talaga dahil naka-kasa na ang plano para idaos ang kosiyerto sa Manfield sa susunod na linggo at ito sana ang kanilang unang tour sa North America pagkaraang ilabas ang bagong album na One More Light. It so happened that ang petsa ng pagyao ni Chester ay kaarawan din ni Chris Cornell, lead vocals ng bandang Soundgarden at Audio Slave, noong Mayo 17, nag suicide si Chris at sila ang mabuting magka kaibigan.
Noong 2000, unang nilabas ng Linkin Park ang kanilang kauna-unahang album - ang "Hybrid Theory", ang lahat ng kanta sa album ay kinatha at kinanta ng Linkin Park, at bilang new artist, ang album na ito ay nahtamo ng nominasyon ng Best Rock and Roll album sa ika-44 Grammy. isang gabi lamang, natatandaan ng mga music fans ang nagtatanging boses ni Chester, at sa likod ng kanyang desperate, restless, full of anguish na tinig, ay isang dark story. Si Chester ay isang biktima ng sexual abuse as a chils , at mula noong 11 taong gulang, inamin niya siya ay drug-user at mula sa panahong iyon, nagsimula ang laban niya sa drug addiction, Alcoholism at depression. Hanggang sa 2006, kinaharap na ni Chester ang isang decision-to give up or to die.
Actually, pagkaraang ikasal ni Chester sa ika-2 asawa na si Talinda, at least nitong 10 taong nakalipas, ipinasiya ni Chester na itakwil ang drugs, alcohol at nagpagaling sa tulong ng isang Psychologist. Bagama't madalas na sumigaw sa stage, pag balik sa bahay, sa harap ng mga bata, naging napakatender ng puso niya. At para kay Chester, ang pamilya ay pinakaimportente sa buhay. Pambihirang binanggit niya ang mga anak, tuwing nagtu-Twit, punong puno ang love para sa kanila. Sinabi niya minsan I have the cutest kids ever. My baby girl graduated today! One of the greatest moments of my life. At minsan, hindi siya nag perform dahil tuwing lalabas, umiiyak ang anak.
Bago ilabas ang balita ng kanyang pagyao, ipinalalagay ng mga fans na bumalik na sa normal life na si Chester, kasama ng 6 na anak, dalawang little lambs, tatlong manok, isang turtle, anim na aso, dalawang pusa at ilang isda sa kanyang tahanan. Pero, malalim ang sugat na iniwan kay Chester ng depression . Sa last interview niya bagong magpakamatay, isiniwalat ni Chester na I can either give up and die or I can fight for what I want. Sa buong buhay niya, naghahanap siya ng love at nilalabanan ang kanyang personnal demons . But bakit everything is so heavy, siguro, mamimiss ng lahat ng fans ang kanilang idol, at matatandaan ang mga kantang inawit habang pinagdadaanan ang kanilang sariling hard time. Rest in peace, Chester.