|
||||||||
|
||
Kaming siyam, na estudyante ng Peking University, ay mag-aaral dito sa Ateneo de Manila University sa susunod na limang buwan. Nasisiyahan kaming maninirahan sa iba pang bansa, lalo na sa Pilipinas na isang bansang tropikal. Sa umaga ng susunod na araw ay nakita ko ang totoong kapaligiran sa labas ng dormitory ng Ateneo.
Mukhang nasa isang maliit na bundok ang Ateneo, di ba? Makulay ang mga bahay.
Mula noon, mayroon kaming maraming "unang beses"--unang hapunan sa school cafeteria, unang pagkuha ng mga peso sa money changer, unang grocery shopping sa Rostan's sa labas ng kampus...
Sa susunod na mga araw ay pumunta kami sa maraming lugar na malapit sa Maynila. Luneta Park, National Museum, Intramuros, at Manila Sunset na tanyag sa buong daigdig.
Bago ko makalimutan, ang buong araw ng biyahe sa Tagaytay ay masaya ring magkuwento. Ang unang beses kong lapitan ang bulkan! Pinakamalilit na bulkan daw ang Taal, at siya ay pinapaligiran ng Lawa ng Taal. Pero sayang na hindi kaming sumakay ng bangka o kabayo para lumapit sa bulkan. Kalahating araw daw papuntang roon.
Sa halip, kumain kami nang marami! Sa Leslie's Restaurant ay natikman namin ang tradisyonal na Filipino food.
Nakapunta kami rin sa Gateway, SM, at iba pang mga mall. Ngayon ay napaalam ko ang ilang Filipino brand tulad ng "Kamiseta". Maganda pa rin siya kumpara sa ibang internasyonal na kalakal.
Sa isang gabi, napanood namin ang procession sa Marikina dahil sa Holy Week. Ipinakita ang mga santo na pinaganda ng mga pamilya. Kung titingnan mo ang buong procession, parang napanood ang buong kuwento ng Biblya.
Ngayon, nagsimula na ang summer school sa Ateneo. Mayroon akong dalawang kurso: Panitikan ng Pilipinas, Rizal and the emergence of the Philippine Nation. Mabait ang mga guro at lagi silang nagbibiro. Ngunit lagi rin silang nagbibigay ng pagsusulit. Sana ay pupunta kami sa marami pang lugar ng Pilipinas tulad ng Boracay, Cebu at Baguio. Samantala, gusto kong makilala ang ibang estudyanteng Filipino. Sila at nasabing mga probinsiya ay totoong Pilipinas.
Della
Huo Ran
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |