Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ang impresyon ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2009-04-24 17:34:47       CRI
Simula sa Apr.1, higit na kalahating buwan na ang nakalipas, ngayon nagsusulat ako ng blog sa dormitoryo habang nakaupo sa tabi ng bintana.

Sa mga mata ko, mas maganda ang Manila sa gabi kung ihambing sa araw, dahil sa mga makintab na ilaw na parang mga bituin sa langit. Ang aking unibersidad, Ateneo university de Manila, ay itinayo sa isang bundok, kaya nakikita ko ang halos buong tanawin ng Marikina city, isang maliit na siyudad na malapit sa Quezon.

Gusto ko ang buhay na ito. Tahimik ang kapaligiran, pero bilang isang bagong dumating, ang bawat araw ay isang bagong simula. Subali't kalahating buwan na, nagiging maayos ang aking buhay dito, kaya maaaring akong nagsusulat ngayon ng mga pangyayari noong mga nakaraang araw...

Talagang maganda dito, pero hindi katulad ng kagandahan ng Beijing. Nagpopokus ang kagandahan ng Beijing sa kanyang masaganang kasaysayan, dito ang kalikasan ay pinagmulan ng kagandahan. Sa mga nagdaaang araw, pumunta na kami sa Rizal park, Intramuros, Manila de bay at Tagaytay. Nakuha na ako ng maraming larawan, pero ang talagang pagganda ng tanawin dito ay hindi puwede ipakita lang sa mga larawan. Lalo na Manila de bay, baka ang paglibog ng Araw roon ay pinakamaganda sa buong mundo... Gusto kong ipamahagi ang ilang larawang kinuha ko sa inyo.

Maganda ba? Sa simula ng pagdating namin, natakpan ang Araw ng mga ulap, pero pagkatapos ng ilang minuto, iyong malaking malaking Araw, ay lumabas na, kasama ng dagat at mga bapor sa ibabaw nito...

Ito ang isang bunch ng eskultura na hindi ko nakita sa mga libro. Ipinapakita nito ang oras na binabaril ni Jose Rizal. Sinabi ng giya na ang mga sundalo sa harap ay Pilipino, at sa likod ay mga sundalong espa o. Kung ayaw barilin ng mga Pilipinong sundalo, saka babarilin sila ng mga sundalong españo. Maraming eskultura sa Rizal park, at may kanya-kanyang kuwento ang bawat isa.

Pumunta kami sa Intramuros pagkatapos ng pagbisita sa Rizal park. Nararapat namin maging tahimik kapag manood ang mga lumang dingding, pero sa katunayan hindi...Ito ang pinakamatagumpay na larawan...sa likod namin ay Pasig river. Tingnan ninyo ang mga mukha namin!

Tagaytay! Pinakamaliit na bulkano sa mundo! Medyo malayo ang Tagaytay mula sa Manila, kaya wala kaming oras para sa boatride sa centro ng lawa. Kung may pagkakataon, gusto kong mag-boat sa iyong pinakamaliit na bulkano! Dito kumain na kami ng maraming pagkain ng Pilipinas, masarap katulad ng mga tanawin. (Sayang na hindi puwede ipakita ang lahat ng larawan dito.>_< )

Sige ito lang ang paglalakbay ko rito. Tungkol sa aking pamumuhay dito, bawat umaga, ginigising ko ang tunog ng mga manok at mga aso sa ibaba ng dorm ko. Mainit talaga, kahit sa umaga, mga ika-anim. Nasa Quezon city ang Ateneo, mukhang hindi masyadong maunlad dito. Mula sa bintana ko, nakikita ko ang iyong Makati na malayo mula dito. Iyan ang pinakamaunlad na lugar sa buong Pilipinas. Doon tumatayo ang mga mataas na gusali, at samantala, sa paligid ng mga gusali ay maraming mababang bahay. Sobrang kakaiba ang ganitong dalawang uri ng pagkakayari... Sa madaling salita, ang Pilipinas ay maganda at may problema...

Sa paanuman, ito ang una kong impresyon sa Pilipinas. At sa pagtuloy ng aking pamumuhay dito, siguradong matutuklasan ko ang mas maraming kaalaman ng bansang ito.

Diego

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>