|
||||||||
|
||
Unang una, para kina Gina, Sylvia, Shawee, Agdipa at Ebeth, salamat sa inyong pagsubaybay sa aking blog at lutong Tsino. Nagluluto ako 2 hanggang 3 beses bawat linggo, kaya magsha-share ako ng aking mga putahe linggung linggo. I will keep going!
Ngayon, ang putahe ko ay ang Dongpo-style pork, isang Zhejiang delicacy. Ang Zhejiang ay lalawigan dito sa Tsina. Tulad din naman diyan sa Pilipinas, dito sa Tsina ang bawat lalawigan ay may ipinagmamalaking food specialty. At ang Dongpo dito ay pangalan ni Su Dongpo, isang bantog na manunula at artista noong Dinastiyang Song ng Tsina at siya ay magaling din sa pagluluto.
Mga sangkap
1500 gramo ng streaky pork (iyong maraming layer)
100 gramo ng scallions
100 gramo ng asukal
250 gramo ng shaoxing wine
50 gramo ng ginger block (dinikdik)
150 gramo ng soy sauce
Paraan ng pagluluto
Hugasan ang streaky pork, alisin ang taba pero huwag gagalawin ang balat at iba pang bahagi.
Pakuluin ang karne sa loob ng 5 minuto para pumuti. Ibuhos sa salaan tapos hugasan para maalis ang sebo. Hiwa-hiwain ang karne sa 10 kuwadrado o rektangular na piraso.
Maglagay ng parilya sa loob ng palayok. Ikalat sa ibabaw ng parilya ang 50 gramo ng scallions at 50 gramo ng ginger block, bago ipatong ang karne nang nasa ibabaw ang balat. Lagyan ng asukal, alak, toyo at ilagay na rin ang nalalabing 50 gramo ng scallions. Takpan ang palayok. Pakuluin. Pagkulo, bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 30 minuto. Ilagay ang karne sa pottery jar nang nasa ibabaw ang balat. Ilagay sa steamer at pausukan sa mataas na temperatura hanggang sa lumambot. Isilbi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |