|
||||||||
|
||
Ang scallion, ginger at garlic ay madalas na ginagamit sa lutong Tsino. Sa karaniwan, ang mga ito ay pampalasa sa ulam, sa halip ng pangunahing sangkap at ang papel nila ay alisin ang alingasaw o bad smell ng mga karne, isda at seafood at dagdagan ng bango ang ulam.
Pagdating sa paggamit ng scallion, ginger at garlic, sa katotohanan, maaring gamitin ang mga ito sa halos lahat ng mga ulam, pero iba-iba ang paraan ng paggamit. Nang igisa ang ulam, hiwa-hiwain sa maliit na piraso ang scallion, ginger at garlic (mas madalas na ginagamit ang scallion at ginger kaysa garlic) at bago ilagay ang pangunahing sangkap, igisa ang mga ito hanggang lumutang ang bango. Nang ilaga ang ulam, hiwa-hiwain sa malaking piraso ang mga ito at ilagay kasama ng mga pangunahing sangkap. Btw, dahil sa magandang kulay ng scallion, ginger at garlic na berde, dilaw at puti, may isa pang papel ang mga ito na dagdagan ng kulay ang ulam at para rito, hiwa-hiwain din sa maliit na piraso at ilagay sa ulam bago lamang isilbi.
Kung walang scallion, ginger o garlic, maaring gamitin ang mga iba pang pampalasa na may parehong papel. Halimbawa, ang sibuyas o onion ay isang pamalit sa scallion. Pero ang bango ng sibuyas ay mas malakas kaysa scallion, kaya puwedeng bawasan ang dami. Sa tingin ko, marami ring uri ang iba't ibang pampalasa sa ibang bansa na gaya ng sa Gitnang Silangan, subukin at ishare ito sa mga cooking fans at ito rin ang isang malaking tuwa ng pagluluto.
Para kay Jane, ok ba ang paliwanag ko? Kung walang scallion, subukin ang ibang pampalasa at kung kasiya-siya ang resulta, isha-share ang pili mo sa akin at iba pang cooking fans. Will you?
Para naman kay La Trixia, alam kong lutuin ang gongbao zhiding (kung sa Chinese pinyin: gongbao jiding. Kung Pao Chicken o diced chicken with peanuts sa Ingles) at lulutuin ko ito sa lalong madaling panahon, marahil ay susunod na linggo. Ok ba?
Balik sa aking blog>>
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |