|
||||||||
|
||
To Minda Gertos, ang puting fibers sa dalanghita o oranges ay talagang may papel na panggamot. Nakakabuti ang mga ito sa pagbabawas ng kalaghala at ubo. Puno ang fibers ng Vitamin P at tumutulong ito sa pagpigil ng pagdurogo ng mga maysakit na high blood pressure at diabetes.
To 91735199XX, ang mabuting tulog ay orihinal na gifted talent ng bawat tao. Pero, dahil sa iba't ibang dahilan, hindi lubos na nakakapagtamasa ang maraming tao nito, including me, minsan.
Para sa mahimbing tulog, unang una, hanapin ang dahilan kung bakit hindi makakatulog. Okey ba ang lahat sa pag-aaral, trabaho o lagay-loob? Mayroon bang biglang nangyari? Fix it first. Sa palagay ko, mas importente ang paglutas ng mga problema dahil kung hindi makakahulagpas ng panggugulo ng mga problema, kayhirap ng magandang tulog.
Ang susunod ay makakatulong sa tulog:
1. Madilim at tahimik na kapaligiran. Malinis na bedroom, comfortable kama at hindi masyadong mataas na pillow.
2. Relax. Bago tumulog, makinig ng mga soft musika o bumasa ng mga essay.
3. Huwag labis na mag-ehersisyo bago ang tumulog.
4. Huwag kumain nang mas marami sa hapunan at huwag uminom ng mga stimulating beverage, tulad ng coffee at tea.
5. Mapanatili ang regular na pagtulog at pagbangon bawat araw.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |