|
||||||||
|
||
Hindi nang nakakagulat na ikahilig ng mga kalalakihan ang sasakyan at ang pag-karera. Nagpunta kaming magkakaibigan sa Shanghai nung ika-16 ng Abril para manuod ng Formula 1, o mas kilala bilang F1 race. Sumakay kami ng tren mula Beijing papuntang Shanghai na inabot lamang ng 9 na oras dahil sa bago't mas mabilis na tren. Marami ding mga banyaga na mula sa Beijing na nagtungo papunta sa Shanghai para manuod ng race.
Unang araw palang ng aming pagdating sa Shanghai, tumungo na agad kami sa Shanghai International Race Track para i-claim ang aming mga race tikets.
Tumagal kami sa Shanghai ng 3 araw lamang. Para sa naunang 2 araw, ito ay para sa Practice Race at Qualifying Lap. Maganda yung araw nung nauna at ikalawang araw, ngunit naging maulan na nung mismong Race Day na naging mahirap din para mga racer subalit naging masaya parin para sa mga manunuod dahil mas exciting ang race.
Ang mag hardcore Ferrari fans!
At ang walang tigil ana pagbuhos ng ulan nung Race Day...
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |