Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ang kulutra ng lahing Qiang sa nilindol na purok ng Sichuan

(GMT+08:00) 2009-05-06 18:29:26       CRI

Ang purok-pinaninirahan ng lahing Qiang ay nasa purok ng super lindol na naganap noong ika-12 ng Mayo ng nagdaang taon sa lalawigang Sichuan. Dahil sa lindol, namatay ang ilang matandang artista at sinira ang mga nayon, grabeng nakakapinsala sa tradisyonal na kultura ng lahing Qang. 1 taon na nakaraan, anu-ano ang progreso ng pangangalaga at rekonstrksyon ng kultura ng lahing Qiang?

Ang awitin na naririnig ninyo ay inawit ni Wang Zhenfang, taganayon ng nayong Yuzixi ng bayang Yingxiu ng lalawigang Sichuan at 44 na taong gulang na siya'y galing sa lahing Qiang. Bukod sa pag-awit ng awitin ng lahing Qiang, mahusay din si Wang sa pagbuburda na may katangian ng lahing Qiang. Ngunit ang lahat ng mga kahusayan ay may nagmula sa kaniyang sariling pag-aaral at walang guro. Ang kaniyang karanasan ay nagsisilbing isang mabuting halimbawa para mapalakas ang aming pag-asa sa pagpapatuloy ng kultura ng lahing Qiang.

"Hindi nag-aaral ako hinggil dito, sumunod ako lamang sa mga ginawa ng mga matatanda nang umuwi ako sa araw ng lingo. Nang may tanong ako, ang sagot nila'y basta na lang sumunod sa ginagawa ko."

Ang lahing Qiang ay isa sa mga pinakamatandang etnikong grupo ng Tsina at may mahigit 3 libong taong kasaysayan. Noong sinunang-panahon, tumira sa rehiyong panghanggahan sa dakong hilagang-kunluran ng Tsina. Kasunod ng pag-unlad ng lipunan, unti-unting lumipat sila sa lalawigang Sichuan. Gusto nilang itatag ang batong pabahay sa mountainside, kaya, tinatawag silang lahi sa ibabaw ng ulap. Ang gusali nila ay pawang itinatag ayon sa tradisyonal na paraan at may mahalagang katayuan sa kasaysayan ng arkitektural ng Tsina at maging ng daigdig. Bukod dito, ang kasuutan, sayaw't awitin at mga instrumento nito ay may maliwanag na katangiang panlahi.

Pagkaganap ng lindol, agarang umaksyon ang mga pampamahalaan at di-pampamahalaang organo hinggil sa pangangalaga sa relikya at pag-aaral sa mga cultural heritage ng Tsina, binuo nila ang working group at pumunta sa nilindol na purok para imebstigahan ang kalagayan ng kapinsalaan ng mga tauhan at rekilya at iniharap ang mga mungkahi ng pangangalaga. Ipinatalastas din ng ministri ng kultura at iba pang ministri ng Tsina na itatag ang eksperimental na sona ng pangangalaga sa kultura ng lahing Qiang at ipinalabas ang palno ukol sa pangangalaga at inilakip dito ang mga purok pinaninirahan ng lahing Qiang sa lalawigang Sichuan at Shaanxi. Ang mga relikya, maksaysayang pook at tagapagmana ng intangible cultural heritage ay mainam na pangangalagaan at magkakaloob dito ang bansa ng espesiyal na pagkatig na pinansyal.

Sinabi ni Zhou Heping, pangalawang ministro ng kultura ng Tsina na walang sariling titik ng lahing Qiang, ang kanilang kultura ay ipinagtutuloy sa pamamagitan ng bibig ng mga tao. Kaya, dapat palakasin ang pangangalga sa mga tagapagmana, itatag ang mga lugar ng pagpapasalin at gamitin ang digital na teknika para palawakin ang saklaw at impluwensiya ng kultura ng lahing Qiang.

"Ang kultura ng lahing Qiang ay pinapapalaganap ng mga tagapagmana, kaya, ang pangangalaga nila ay pokus ng pangangalaga sa kultura ng Qiang. Dapat lumikha ng kondisyon para sa pagsasagawa nila ng pag-aaral at pagmamana sa kultura. Dapat pangalagaan ang mga kagamitan at mahalagang materiyal, sistematikong pangalagaan ang mga kultura sa pamamagitan ng paghahanap ng mga aktuwal na kagamitan at pagsasaayos ng mga materiyal; Patuloy na palawakin namin ang nilalaman ng digital na museo at itatag ang espesiyal na database, gamitin ang modernong siyensiya't teknolohiya para mapangalagaan ang kultura ng lahing Qiang."

Ang bayang Beichuan ay iisang bayang awtonomo ng lahing Qiang ng Tsina. Para palaganapin ang kultura ng Qiang, espesiyal na itinakda ng Beichuan High School ang kurso hinggil sa kultura at awitin ng lahing Qiang at may 2 klase bawat linggo na pinamamahala ng espesiyal na guro. Sinabi ni guro Xu na:

"Ini-oorganisa namin ang mga tauhan para sulatin ang teksbook hinggil sa kultura ng lahing Qiang. Sa kasalukuyan, inihahanda ang mga teksbook at pagkatapos, papalaganapin ito sa buong paaralan."

Mula sa semester na ito, ang estudyenteng Li Chunhong ay lumahok din sa nasabing kurso. Hinggil dito, sabi niyang:

"Ipinalalagay kong dahil dito, malalaman kami nang mas marami an g aming kultura ng mga tagalabas, bagay na dagdagan ng mas maraming luwalhati ang daigdig."

Umabot sa mahigit 300 libo ang populasyon ng lahing Qiang, mahigit 80% sa kanila ang tumitira sa bayang Mao, Wenchuan at Beichuan ng lalawigang Sichuan na grabeng niyanig ng lindol noong ika-12 ng Mayo ng nagdaang taon. Karamihan ng mga nayon at town na pinaninirahan ng lahing Qiang ang sinira ng lindol. Sa kasalukuyan, ang pagpapakita ng katangian ng Qiang ay isa sa mga pokus ng rekonstruksyon. Hinggil sa tradisyong kultural ng lahing Qiang, isnasagawa ng departamento ng konstruksyon ng Sichuan ang espesiyal na blueprint para sa mga sibiliyang gusali na angkop sa kaugalian at kahilingan ng mga lokal na mamamayan. Ang nayong Gina ng lahing Qiang ay isang mabuting halimbawa hinggil dito. Sa kasalukuyan, natapos na ang konstruksyon ng magandang nayong ito. Ngunit, para sa mga taganayon, ito'y unang hakbang lamang, ang mas mahalaga ay pagkakaroon ng maligayang pamumuhay dito. Isinalaysay ni Yang Xiaokun, namamahalang tauhan sa konstruksyon ng nayong ito na isinasalang-alang ng lokal na pamahalaan na paunlarin ang turismo sa nayong ito, makakatulong ito sa pagpapabuti ng kondisyong pinansyal ng mga taganayon, sa gayo'y lumikha ng pasublai para sa walang humpay na pag-unlad ng kulura ng lahing Qiang.

"Bago ang lindol, ang pagpapastol at agrikultura ay pangunahing pinaggagalingan ng kita ng mga lokal na residente. Pagkatapos, naitatag na ang bagong nayon, isinasaalang-alang naming ilipat ang pokus sa pagpapaunlad ng turismo. Sa kasalukuyan, nagkaroon na kami ng isang inisyal na plano: magsasagawa ng iba't ibang pagnenegosyo ang 71 pamilya sa nayong ito. Ilan sa kanila ang magpapatakbo ng otel at iba naman ang restauran. Bukod dito, nagkaroon din ang nayong ito ng espesiyal na pagbuburda at sayaw't awitin na may katangiang Qiang, ito'y nagkaloob ng mabuting pagkakataon para sa pagpapaunlad ng turismo dito.

Si Shi Cheng'an ay isang taganayon ng nayong Gina. Bago ang lindol, ikinabubuhay niya ang pagtatanim. Sa kasalukuyan, lumipat siya sa bagong nayon at sinimulang ibenta ang mga handiwork. Datapuwa't hindi malaki ang bilang ng mga turista, puno rin siya ng kompiyensa sa hianaharap.

"Kung ibayo pang uunlad ang turismo, bubuti ang negosyo ko. Umaasa akong mas maraming turista ang makapupunta sa aming nayon."

Sa bagong ipinalabas na Plano sa eksperimental na sona ng pangangalaga sa kultura ng lahing Qiang, eenkorahehin ng Tsina ang mga lokalidad na galugarin ang mga produksyong may halagang pansining at komersiyal. Ipinalalagay ng ilang iskolar na ang angkop na paggagalugad at kasabay nito, pagpapanatili ng pambansang katangian ay magpapabuti sa pamumuhay ng lokal na residente at magpapasulong sa pag-unlad ng kultura.

Ang kulutra ng lahing Qiang ay parang isang gintong sinulid na tumitimo sa puso ng mga mamamayan ng lahing Qiang at ng buong Tsina. Taos-pusong umaasa ang lahat na ang katangi-tangiang kultura ng Qiang ay maaring muling umisbol pagkaraan ng malubhang kapahamakang natural at magiging mas masagana at makukulay.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>