Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong tahanan para sa mga panda

(GMT+08:00) 2009-05-07 17:10:10       CRI

"Gusto kong malaman kung kumusta na ang lagay ng mga baby panda—meron ba silang sapat na pagkaing-kawayan? Kumusta ang kanilang pamumuhay?"

Ang boses ay isang batang taga-Beijing na si Jiang Ruoxi na nagpaalam kamakailan sa 8 baby pandas na nanunuluyan sa Beijing nang 9 na buwan. Ang nasabing mga baby panda ay inihatid sa Beijing para sa pansamantalang pag-aalaga makaraang yanigin ng 2008 super-lindol ang kanilang pinamamahayan na matatagpuan sa Wolong, Sichuan. Pagkaraang maganap ang lindol, 63 panda ang ipinadala mula sa kanilang pinamamahayang lugar sa iba't ibang purok ng bansa para sa pansamantalang pag-aalaga. Pagkaraan ng isang taong pag-aalaga, magkakasunod na pinauwi na sila sa Wolong, Sichuan.

Sa palatuntunang ito, ibabahagi namin sa inyo ang hinggil sa pinakahuling kalagayan ng mga panda taga-Wolong at sa rekonstruksyon ng kanilang tahanan.

Nang balik-tanawin niya ang idinulot na kapinsalaan sa mga panda ng Sichuan quake sa taong 2008, labis na nagdaramdam pa rin si G. Zhang Hemin, direktor ng China Conservation and Research Center for the Giant Panda sa Wolong National Nature Reserve.

"Nang manginig ang lupa, di nagawang maglakad ang mga panda. Natakot sila nang husto at nagyakap lamang."

Ayon kay G. Zhang, 11 kilomentro lamang ang layo ng Wolong Nature Reserve mula sa epicenter ng 8 magnitude na lindol at ang super-lindol ay nagdulot ng hindi lamang grabeng kapinsalaan sa nature reserve, nagdulot din ito ng psychological trauma sa mga panda. Upang matulungan ang mga panda sa psycho-rehabilitation, maraming ginagawa ang Wolong Nature Reserve. Kaugnay nito, ganito ang inilahad ni G. Zhang.

"Hiniling namin sa mga tagapag-alaga na madalas na humimas sa mga panda at nakadapang makipag-usap din sa kanila. Pagkaraan ng isang taong pagsisikap, gumaling sa kabuuan ang mga panda."

Ang Chengdu Research Base of Giant Panda Breeding ay 100 kilometro ang layo mula sa Wolong Nature Reserve. At nakita ng mamamahayag sa base ang mayayabong na puno ng kawayan at ilang panda ang nagkakatuwaan. Taga-Seattle si G. Washington at habang nanonood siya sa mga pandang kumakain ng kawayan, ganito ang sinabi niya.

"Dito sa baseng ito, sa kauna-unahang pagkakataon, nakakakita ako ng panda. Cute na cute sila, espesyal na iyong mga baby panda na nagpapakasaya."

Ang taga-alaga sa base na si G. Tan naman ay abalang abala sa paghahanda ng pagkain para sa mga panda. Aniya, pagkaraan ng super-lindol, apat na panda ang naihatid sa baseng ito para sa pansamantalang pag-aalaga at sa ngayon, gumaling na ang mga ito. Itinuturing ni Tan ang mga panda bilang sariling anak.

"Kung taos-pusong makikitungo ka sa mga panda, susundin ka nila. Kung may sakit sila, sasabihin ko sa mga beterinaryo para gamutin sila, gayunman, ikinababalisa ko pa ang kalusugan ng mga ito."

70% ng pinamamahayang lugar ng panda sa Wolong Nature Reserve ang nasira ng 2008 lindol at walang pagkaing kawayan ang mga panda roon. Agaran namang nagkaloob ng tulong sa Wolong ang Chengdu Research Base of Giant Panda Breeding para matulungan ang mga panda sa Wolong na makahulagpos sa bamboo famine. Tungkol dito, ganito ang inilahad ni G. Zhang Zhihe, direktor ng Chengdu Research Base of Giant Panda Breeding.

"Sa aming base, mahigit 10 hektarya ang tinatamnan ng kawayan at ang mga ito ay inihanda para sa pagbibigay ng pagkain sa mga panda sa pangkagipitang panahon pag ganap ng kalamidad."

Sa kasalukuyan, maayos na inaalagaan ang mga panda na taga-Wolong, pero, dahil grabeng nasira ng super-lindol ang kanilang natural na pinamamahayang lugar, ang pagpapanumbalik ng Wolong Nature Reserve at pagpapauwi ng mga panda sa kanilang orihinal na tahanan ay pinakahinahangad ng direktor ng China Conservation and Research Center for the Giant Panda sa Wolong National Nature Reserve na si G. Zhang Hemin.

"Pagkaraan ng lindol, naitayo namin ang mga pansamantalang panuluyan at pansamantalang pasilidad para sa mga panda, pero, hindi comfortable ito kumpara sa kanilang natural na panuluyan sa Wolong."

Napili na ang bagong lokasyon ng China Conservation and Research Center for the Giant Panda at mahigit 10 kilometro ang layo nito mula sa dating lokasyon. Mahigit 1.4 bilyong Yuan o 0.2 bilyong dolyares ang ibubuhos sa pagtatayo ng bagong tahanan ng mga panda at sisimulang itayo ito sa darating na Hulyo. Maraming tao ang nag-abuloy sa rekonstruksyon ng tahanan para sa mga panda at umaabot sa 12 milyong Yuan RMB o 1.9 milyong dolyares ang buong halaga ng kanilang donasyon. Sa listahan ng mga taga-abuloy, nakikita ang iba't ibang pamahalaang dayuhan, samahang di-pampamahalaan, multinasyonal na bahay-kalakal at mga indibiduwal. Salamat sa tulong mula sa iba't ibang panig, lipos ng pananalig sa rekonstruksyon ng tahanan ng mga panda si Direktor Zhang mula sa China Conservation and Research Center for the Giant Panda.

"Ikinalulugod namin ang ibinigay na tulong mula sa iba't ibang saray at lipos kami ng pananalig na maitatayo ang bagong tahanan ng mga panda sa lalong madaling panahon."

Ayon pa kay G. Zhang na nagpaplano ang kanilang center na sa susunod na 2 hanggang 3 taon, manunumbalik sila ng proyekto ng artificial breeding at pagpapalaya sa kagubatan ng mga panda. Idinugtong ni G. Zhang na upang muling maitayo ang natural habit ng mga panda at matulungan sila sa natural reproduction, nagpaplano ang China Conservation and Research Center for the Giant Panda na i-relocate ang mga magsasakang lokal na naninirahan sa bagong lokasyon ng research center. Kaugnay nito, ganito ang idinagdag ni Direktor Zhang mula sa China Conservation and Research Center for the Giant Panda.

"Nagpasiya kaming tupdin ang proyektong ito sa lalong madaling panahon. Pagkaraang maayos na ma-relocate ang mga residenteng lokal, magtatanim kami kaagad ng mga kawayan. Ito ang aming pinakapangkapigitang gawain. Inaasahang matatapos ito sa loob ng 2 hanggang 3 taon."

Salin: Xian Jie

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>