Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gongbao Jiding o Kung Pao Chicken

(GMT+08:00) 2009-05-07 21:14:54       CRI

Mga cooking fans, ito po si Frank, inyong guwapong chef. Ang Gongbao Jiding o Kung Pao Chicken ang lulutuin ko ngayong araw batay sa kahilingan ni La Trixia. Pero bago lutuin, sasagutin ko ang tanong ng ilang kaibigan.

Para kay Manuela: ang paraan ng paghawak ng chopsticks ay isang mahirap na isyu, tagalang mahirap, dahil ako mismo ang hindi nagiging standard dito. Isusulat ko ang isang artikulo hinggil dito sa susunod na linggo. Hintay po!

Para kay Liat: ang shaoxing wine ay isa sa mga pampalasa sa lutong Tsino na tulad ng whisky sa luto ng mga bansang dayuhan. Madalas na ginagamit ng mga Tsino ang shaoxing wine sa pagluluto. Isusulat ko rin ang isang artikulo hinggil dito sa susunod na linggo.

Para naman kay Buddy Boy: bakit nasa isip mo na nakakapagluto ang mga Tsino ng maraming putahe mabilis at one time? Sa pagalay ko, ang kasanayan ay marahil isang dahilan. Ang gawaing paghahanda ay isa pang dahilan. Kung handang-handa na ang mga sangkap at pampalasa, magiging mabilis, pero ginamit na ang maraming panahon para ihanda na gaya ng hiwain.

Ang Gongbao Jiding ay isang putahe ng Lalawigang Sichuan sa timog kanlurang Tsina. Maanghang at maasin ang putaheng ito at kaunti ring matamis at maasim. Ang Gongbao sa wikang Tsino ay isang titulo ng opisyal noong Dinastiyang Qing at ito ay nangangahulugang "tagatanod pampalasyo". At ang Jiding naman ay "pirasong karne ng manok". Ang putaheng ito ay pinangangalanan ng Gongbao Jiding, dahil umano'y ito ay paboritong putahe ng isang opisyal noong Dinastiyang Qing na may titulo ng "tagatanod pampalasyo" na si Ding Baozhen.

Sichuan peppercorn

Mga sangkap

500 gramo ng karne ng dibdib ng manok, inalisan ng buto at balat
100 gramo ng mani na ini-ihaw na
50 gramo ng tuyong siling labuyo
2 kutsara ng Sichuan peppercorn
3 scallions (gagamitin lamang ang puting bahagi at mas mabuti kung makapal)
2 liha ng bawang, tinadtad
Mga luya, parehong dami ng bawang at tinadtad din
3 kutsara ng tuyong cornstach
3 kutsara ng toyo
1 kutsara ng shaoxing wine
100 gramo ng mantika
1 kutsara ng suka
1/2 kutsara ng asuka
1 kutsara ng asin
1/2 kutsara ng vetsin

Paraan ng pagluluto

Unang una, kung mayroon lamang hilaw na mani sa halip ng ini-ihaw na, nangangailangan ng karagdagang 30 gramo ng mantika para igisa ang mga ito. Initin sa kawali ang mantika sa temperaturang mga 100 degree centigrade. Lagyan ng mga mani at igisa. Pagkaraang magbago ang kulay, agarang isalin sa plato ang mga mani para hindi maging overcooked.

Hiwa-hiwain ang karne ng manok sa mga pirasong mga 1 sentimetro ang haba, lapag at kapal. Lagyan ng 1/2 kutsara ng asin, 1 kutsara ng tuyong cornstach, 1 kutsara ng toyo at 1 kutsara ng shaoxing wine at haluin nang mabuti para i-marinate sa loob ng di-kukulangin sa 10 minuto.

Sa tagal na ito, hiwa-hiwain ang puting bahagi ng scallions sa mga pirasong mga 1 sentimetro ang haba. Hiwa-hiwain din ang tuyong siling labuyo sa mga pirasong mga 1 sentimetro ang haba at alisin ang mga buto. Haluin ang suka, asukal, vetsin at nalalabing toyo, tuyong cornstach at asin at kaunting tubig para gawing sarsa. Marami ang mga pampalasa sa putaheng ito at kung ilalagay nang isa-isa ang mga ito pagkaraang initin ang karne ng manok, ito ay magiging overcooked o maganit. Kaya gawing sarsa ang mga pampalasa para ilagay sa kawali sa maikling panahon at dahil may cornstach, hindi magiging matubig ang putahe.

Initin sa kawali ang 50 gramong mantika sa temperaturang mga 130 degree centigrade. Ilagay ang mga pirasong karne ng manok at igisa hanggang magbago ang kulay. Alisin at patuluin. Igarantiyang walang labi ng karne sa kawali at kung hindi, linisin ito. Ibuhos ang nalalabing mantika sa kawali ang initin sa temperaturang mga 150 degree centigrade. Lagyan ng Sichuan peppercorn at initin sa katamtamang apoy hanggang lumutang ang bango at maging itim ang peppercorn. Ang peppercorn ay hindi mabuti para kumain, kaya alisin ang lahat ng mga ito at panatilihin ang mantika sa kawali. Dagdagan ang apoy sa malaki, lagyan ng bawang, luya at mga pirasong tuyong siling labuyo at pagkaraang lumutang ang bango, lagyan ng mga pirasong karne ng manok. Igisa sa loob ng kalahating minuto at tapos lagyan ng mga pirasong scallion at bukusan ng sarsa. Igisa sa loob ng ilan pang minuto hanggang maluto ang karne. Lagyan ng mga mani at haluin nang mabuti. Isalin sa plato at isilbi.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>