|
||||||||
|
||
Paminsan-minsan parang gusto kong dahan-dahanin ang aking hakbang sa buhay na ito at medyo irelaks-relaks ang aking katawan at isip na tulad ngayong pagsisimula ng tag-init, isang umagang kay ganda, habang humihigop ng mainit na tsaa, nararamdaman ko ang dampi ng malamig na hangin sa aking katawan at ang animoy musikang huni ng mga ibon.
Gayunman, hinding hindi sapat ang mga iyon! Kamakailan, muli kong naramdaman ang tinig ng kalooban na nanunuyo sa akin na makisalamuha sa kalikasan at pansamantalang lumayo sa ingay ng kalunsuran. At kung talaga namang hindi maaari, magpapakalunod na lamang ako sa alaala at ito ang dahilan kung bakit naisipan kong magbiyahe patungo sa isang purok na kanugnog ng Beijing nitong nagdaang Abril.
Iyan! Tingnan ninyo ang asul na langit, puting ulap at iyong mga punong kahoy na puno ng buhay! Makita ko lamang ang mga ito ay parang gusto ko nang lumipad.
Ang pagmamasid sa tahimik na umaagos na batis ay nagpapatatag at nagpapaligaya sa aking kalooban. Tingnan ninyo iyong itaas na bahagi ng batis—ano ang nakikita ninyo? Hindi ba niyebe?
Ang pinuntahan kong purok ay matatagpuan sa Miyun County sa dakong hilaga-silangan ng Beijing at tinagurian ito, kung sa Pinyin, na Wu4Ling2Xi1Gu3-ang Wu4Ling2 ang tawag sa bundok na kinaroroonan nito, ang Xi1ay nangangahulugan ng batis at ang Gu3 naman ay nangangahulugan ng lambak. Totoo iyon! Tampok ang lugar sa batis at lambak! Bulubundukin ang lugar na iyon kung kaya't nababalam ang tagsibol. Sa downtown Beijing naman, namumukadkad na ang mga bulaklak.
Panuluyan sa Wu4Ling2Xi1Gu3.
Bukod sa sariwang hangin at asul na langit, naaakit rin ako ng mga bahay na may tipikal na disenyo ng kabahayan sa isang nayon sa kahilagaan ng Tsina. Yari ito sa ladrilyo at bato at maging ang kama ay yari rin sa ladrilyo at luad at sa taglamig ang kama ay pinaiinitan sa pamamagitan ng pagsusunog ng dayami, bagay na nagpapaalala sa naging buhay ko sa isa pang nayon sa lugar na kanugnog ng Beijing.
Sa Wu4Ling2Xi1Gu3, nagpapakasaya ang lahat!
Subukin ninyong hulaan kung ano ang function ng bagay na nasa kuhang-larawan! ^_^
Gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang lahat ng mga kaibigan na nagpadala ng kanilang mga koment sa aking unang blog. Maraming salamat sa inyong lahat--Poska, Emmy Panajon, Straw, Arturo, Dr. George, Janice Quinto, Ebeth Viola, pOM, Minerva Costales, Lagrimas, 091748322XX, Kate A, Happy, caicai dichoso, MJ Foster, Wilbert, Shawee, Alex Roman, 09204344249, plum regalado, 6392065091XX, Masami Shigematsu, mulong, patricia, Wheng Conti, Brix, DJ Happy, Lara Carpi, Myrna Calayco, kristine umali, Malou Tiu, Divine Garcia, Viviene Alejandro, 00417928448XX, Roselle Lim, Merry Jeane, Brenda, ebeth, jubeth, fely, May Orendain, madeiro…Maraming maraming salamat sa inyong suporta sa Sichuan. May God love you.
Upang lubos na matamasa natin ang kagandahan ng kalikasan, pangalagaan natin ang ating planetang mundo. Iisa lamang ang mundong ito at tayo ay nabibilang sa iisa ring pamilya!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |