|
||||||||
|
||
Sa katatapos na ika-62 Festival De Cannes o Cannes International Film Festival sa taong 2009 na ginanap sa Pransya, kinuha sa isa pang pagkakataon ng isang Filipino director ang malaking karangalan para sa kanyang bansa at mga kababayan. Si Brillante Mendoza ay ginawaran ng Best Director Award para sa kanyang pelikulang "Kinatay".
Ang "Kinatay" ay hinggil sa isang baguhang pulis na nagsimula ang buhay sa pagpapakasal sa kanyang kasintahan at natapos sa pagpapahirap at pagpatay sa isang prostitute. Sa pamamagitan ng pelikulang ito, tinalo ni Mendoza sa kompetisyon ang mga kilalang directors na sina Oscar winner Ang Lee, Pedro Almodovar, Jane Campion at Quentin Tarantino. Sa kanyang talumpati pagkaraang manalo ng gantimpala, sinabi ni Mendoza na,
"First of all I would like to thank the selection committee, who are responsible for bringing my films here for the past three years. And now with an award for Best Director, I would like to thank the Jury. And of course I'd like to thank my producer; thank you for the trust and faith in my films. I'd like to thank also a very committed staff and crew. I'd like to share this award with my daughter, Angelica, who has always been my number one critic and to an actor I really respect, Coco Martin. Thank you all for embracing my kind of cinema."
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakasali si Mendoza sa Cannes Film Festival at noong isang taon, nakapasok din sa kompetisyon ang kanyang pelikulang "Serbis." Kaugnay nito, sinabi ni Mendoza na,
"After Serbis, last year, opinion was also divided. Some critics liked it, and some didn't like it. So I'm kind of prepared, with this kind of film, that I've shown again in Cannes. Did I expect [an award]? Of course. I always hope for the best."
Isinilang si Mendoza noong 1960 sa San Fernando, Pilipinas. Sa kanyang career sa sektor ng pelikula, siya ay naging art director, writer, producer, cinematographer, director at production designer. Bukod sa dalawang beses na pagsali sa Cannes Film Festival, kinuha ni Mendoza ang 16 na titulo at 12 nominasyon sa mga kompetisyon sa Pilipinas at daigdig na gaya ng Asian Film Awards, Bangkok International Film Festival, Berlin International Film Festival, Cinemanila International Film Festival, Durban International Film Festival, Gawad Urian Awards at iba pa.
Sa kasalukuyang Cannes Film Festival, sumali rin sa kompetisyon ang 4 na Tsinong director na kinabibilangan nina Lou Ye ng pelikulang Spring Fever, Ang Lee ng pelikulang Taking Woodstock, Johnnie To ng pelikulang Vengeance at Tsai Ming-Liang ng pelikulang Visage (Face). Pero sa kanila, kinuha lamang ni Lou Ye ang Award for Best Screenplay.
Lumahok naman sa festival bilang jury ang dalawang Tsinong artistang babae na sina Shu Qi at Zhang Ziyi.
Mga kaibigan, anu-ano ang sasabihin ninyo hinggil sa panalo ni Mendoza ng Best Director Award sa Cannes at ito ba ang isang pampasigla sa mga pelikula ng Pinas? Mag-iwan ng inyong comment!
Btw, interesadong interesado ako sa mga pelikula ni Mendoza na gaya ng "Kinatay", "Serbis" at mga iba pa. Saan akong makabili ng DVDs ng mga pelikulang ito, sa eBay o mga DVD stores sa Maynila? Sasabihin sa akin.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |